Samson Corporation
["Sir, nandito na po si Mr. Riley."]
Tumawag ang receptionist kay Zac upang ipaalam ang pagdating ng mga Riley. Tumaas ang kilay nya at napahawak sa sariling baba.
"Let them wait, I'm busy."
["Yes Sir."]
Muling tiningnan ni Zac ang mga impormasyon sa hawak na papeles na ipinadala sakanya. Kumunot ang noo nya sa mga nabasa tungkol sa kompanyang ito. Pinindot nya ang katabing intercom at muling nagsalita.
"Lead them to Area 1, I'll be there in 10 minutes."
Pabagsak nyang inilapag ang mga papeles sa mesa kasabay ang paghugot ng isang malalim na hininga.
Maya't maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking naka itim na suit na may hawak na iPad. Singkit ang mga mata nitong may suot na salamin at bakas ang pagiging strikto sa mukha nitong napaka seryoso.
"Sir." magalang nitong bati.
Lumapit ito at tinulungan syang maisuot ang manipis na black coat. Isinuot nya din ang itim na leather gloves sa dalawang mga kamay.
"How's the preparation?" seryosong tanong nya dito.
"Naka ready na po Sir, waiting for approval nalang po." sagot nito.
"Ok, let's go."
Lumabas sya ng opisina kasunod ang ilang mga kalalakihan na nakasuot din ng black suit. Tila mga mannequin itong walang mga ekspresyon at tahimik na sabay-sabay kung lumakad.
Nasa tabi naman ni Zac ang lalaking nakasuot ng salamin na tuwid kung lumakad at dire-diretso ang tingin. Ang lalaking ito ay ang kanyang personal assistant na pinaka pinag-kakatiwalaan nya sa lahat. Ito ang nag-sasaayos ng mga pribadong bagay at dokumento para sakanya. Maliban sa taong ito ay may isa pa syang assistant na kasama nya naman sa mga ordinaryong appointment.
Ilang minuto pa ay pumasok sila sa isang malaking silid kung saan naghihintay ang mga bisita nya. Agad na tumayo at ngumiti ang matandang lalaki at binatang kasama nito pagkabukas palang ng malaking pintuan. Agad sya nitong sinalubong ngunit nag-alangan ng makita ang mga lalaking naka palibot sakanya.
"Ah.. ha-ha! Good day Mr. Samson. I'm William Riley, owner of Riley Corporation; and this is my son Zayne Riley." bati sakanya ng matanda na inilahad sakanya ang kamay. Tumabi dito ang binata na nakangiting yumuko sakanya.
Tiningnan nya lang ang kamay ng matanda sa harapan nya dahilan para makaramdam ito ng kahihiyan. Dahan-dahang ibinaba nito ang kamay at bahagyang tumawa.
Nilingon sya ng kanyang assistant na tila ba di nakita ang dalawa na nasa harapan.
"This way Sir." sabi nito na ginabayan sya papunta sa pinakaunahang upuan na pinapagitnaan ng mahabang mesa.
"U-um.." namimilog ang mga mata ni Mr. William na bahagyang inaabot ang kanyang coat.
Agad na pinigilan ito ng isang lalaking may malaking pangangatawan. Seryosong tinitigan nito ang matanda na nakaramdam ng kilabot at takot. Itinuro nito ang pinakadulong upuan kung saan pwedeng maupo ang dalawa.
Walang nagawa ang mag-ama kundi ang sumunod at tiisin ang mapaklang pakikitungo sakanila. Ilang sandali pa ay nagsalita ang assistant na nakatayo sa tabi nya.
"Mr. Riley, please make a brief explanation about the contents of your presentation."
Agad na tumayo si Zayne dala ang isang white folder. Lalapit na sana ito kay Zac ng bigla naman itong pigilan ng isa pang lalaki. Kinuha nito ang folder at iniabot sa assistant nya. Tiningnan muna nito ang bawat pahina bago tuluyang ibigay sakanya.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...