Chapter 19: Meeting the Samson Family (Part 1)

4.2K 222 9
                                    

Nakatulala si Finn sa tapat ng pinto ng condo nya. Hawak nya ang doorknob na nakatingin sa apat na lalaking naka suot ng black suit at tahimik na nakaabang sa labas ng pintuan nya.

'W-What the hell is happening here?!'

*****

(3 hours ago)

Hindi mapalagay na pabalik-balik si Finn sa kanyang kwarto. Ngayun ang araw na iniimbatahan ng mga Samson ang kapatid nya para sa hapunan sa mansyon nito.

Napatingin si Finn sa kalapit na wardrobe kung saan nakatago ang mga dress na ipinadala sakanya ni Morisson. Agad nyang iniwas ang paningin dito sabay sampal sa sarili.

'Hindi.. hindi! Nangako ako sa sarili kong huli na yun... Ayukong mapasubo si Quinn pagdating ng panahon na magkagipitan na.'

Napaupo si Finn sa kama, kinuha nya ang cellphone sa bulsa at tiningnan ang pinadala nyang email kay Mr. Samson. Asar nyang inihagis ito ng makitang walang reply mula sa binata.

Napahilamos sya at napatingin sa sariling relo, meron na lang syang natitirang dalawang oras upang maghanda.

'Argghh!!! That fucking asshole, it was all his fault!! How dare him betray our agreement!! I'll kill him, I'll curse him to death!!'

Mabibigat ang mga paa nyang lumapit sa wardrobe at nanginginig ang mga daliring binuksan ito.

(After 1 hour)

Napabuntong hininga si Finn na tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Nakasuot sya ng simpleng kulay puting dress at nakapaglagay na rin ng konting make-up na napaka simpleng tingnan. Malaki ang pasasalamat nya sa kaibigan na tinuruan sya ng ilang basic technique sa pag-aapply nito upang hindi na sya magpabalik-balik pa sa salon.

Binuksan nya ang maliit na jewelry box at kinuha ang kulay pilak na hikaw at singsing. Isinuot nya ang mga ito sabay tingin sa relo. Unti-unti syang napapikit at bumulong sa sarili.

'Tonight... I'll make sure na matatapos na to. I'm sorry Mr. Samson, pero di ko hahayaang makasal sayo ang kapatid ko.'

Tumindig sya sa kinauupuan at isinuot ang mababang heels. Inabot nya ang mini handbag sa kama at dahan-dahang lumapit sa may pintuan. Kasabay ng pagbukas nya nito ang pagbulaga ng apat na kalalakihan sa kanyang harapan.

'Eh?!'

*****

Lumapit sakanya ang isang lalaki na magalang na yumuko sa harapan nya.

"Ms. Wilson, we are here to pick you up as an order from Samson Family."

Agad na naisara ni Finn ng malakas ang pintuan at nagmamadaling tinawagan ang kanyang assistant.

["Hello Sir?"]

"Idiot! What the hell is happening here?! Paano nalaman ng mga Samson ang address sa condo ko!?" galit ngunit mahina nyang tanong dito.

["Huh? Pero ang bilin mo Sir once na may magtanong sa address ni Miss Quinn, yung address ng condo nyo ang ibigay ko."] pagpapaliwanag nito.

Tila sumakit ang ulo ni Finn sa sinagot ng binata. Pinilit nyang maging kalmado at pasensyoso sakabila ng galit na kanyang nararamdaman.

"Are you nuts?! Didn't I tell you that you mustn't provide any fucking information to those fucking people without my consent?!"

Natahimik si Mr. Santos sa kabilang linya bago mahinang nagsalita.

["I'm really sorry Sir."]

"Damn it!!"

Ibinaba ni Finn ang cellphone at inayos ang sarili. Muli syang lumapit sa pintuan at dahan-dahang binuksan ito. Nakaabang parin ang mga ito na binigyan sya ng malaking espasyo sa gitna. Napabuntong hininga na lamang sya at tahimik na sumunod rito.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon