/beep~ beep~/
Magalang na binuksan ng driver ang pinto ng kotse at tahimik na hinintay na bumaba ang binata sa tabi. Binati ito ng isang matandang katulong na kanina pa naghihintay sa pintuan ng mansyon.
Makahulugang tiningnan ni Zac ang si Mrs. Ed na agad naman nitong naiintindihan.
"Naghihintay na po sa loob sina Mr. Charles, senyorita at ang Madam. At..... narito rin po si Ms. Roxy para bumisita...."
Hindi na nito tinapos ang sasabihin ng mapansin ang kanyang ekspresyon. Alam ng katulong na hindi maganda ang relasyon ng binata sa ama at stepmother nito. Lalo na't ngayung nakauwi na ang bunsong kapatid nito, hindi nya alam kung anong drama ang mangyayare sa pamamahay na ito. Pero nararamdaman nya, walang magiging problema sa mag-kapatid. Dalaga na ang kapatid nito. Siguro naman matured narin itong mag-isip kaysa noon, maliban nalang siguro kung 'makekealam' ang Madam sa tahimik na relasyon ng magkapatid.
Tahimik na dire-diretsong pumasok ng pintuan si Zac nang hindi pinapansin ito at kung ano man ang iniisip ng katulong....wala na syang pakealam roon. Sa totoo lang wala syang nararamdaman para sa sinasabing kapatid nya. Para sakanya ay katulad ito ng mga taong nakakasalubong nya sa kalsada....hindi kilala at walang emosyong nakakonekta sa isa't-isa.
Siguro sinasabi ng iba na wala syang pagmamahal sa pamilya pero siguro tama nga sila. Matagal nang ang sinasabi nilang 'taong mahalaga' ay nasa bukabolaryo nya. Sintagal nang panahong may tinatawag pa syang 'ina'.
*****
Sa pagpasok nya palang ng sala ay dinig na nya ang boses at masayang tawanan sa may dining room.
Agad na napalingon sa kanyang kinatatayuan ang apat na taong kanina pa naghihintay sakanya. Ngumiti si Mr. Charles at masayang binati sya.
"You're finally here. Come here son, look who's here."
Inikot nya ang paningin sa mga ito na may iba-ibang reaksyon sa mukha at walang emosyong sumagot, "...um."
Halos sumama ang ekspresyon ng Madam sa inakto nya habang nagliwanag naman ang mga mata ng dalawang dalaga. Bago pa man makalapit at tumawag si Roxy sakanya ay nauna nang tumakbo palapit ang isa pang dalaga.
"Kuya!"
Yayakap na sana sakanya ito nang bigla syang umiwas sa kaliwa. Hindi ito agad nakapreno kaya naman, direderetso itong lumampas sakanya. Imbis na bisig nya..... ay matigas na poste ang sumalubong rito.
Dalaga: "....??"
"Stay away from me, stinky brat.."
Halos mapasigaw naman si Madam Elizabeth ng makita ang nangyare sa kanyang anak. Pilit nitong kinalma ang sarili at tinawag ang dalaga.
"Joan! Come here!"
Hindi pinansin ng dalaga ang ina at nagkunwaring walang nangyare.
"Ah... haha... hello kuya. P-Pasensya na nadala lang. Haha..."
Tinapik nito ng dalawang beses ang kayakap na poste at mabilis na binitawan ito. Tumayo ito ng tuwid at inayos ang suot bago bumalik sa karakter nitong 'noble lady'.
Hindi ito pinansin ni Zac. Kalmado nyang hinubad ang coat at tahimik na naupo sa dining room kasama ang apat.
Samantala, mabilis na huminahon sa Roxy. Naisip nya na mabuti nalang at naunahan sya ng kapatid nito dahil kung hindi ay baka sya ang napahiya sa harapan nito at ng pamilyang Samson. Hindi nya sasayangin ang pagkakataong ito na ibinigay ni Mrs. Elizabeth upang makuha ang loob ng mga Samson lalong lalo na ni Zac. Kailangan nyang makuha ang binata bago paman ito tuluyang makasal sa babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...