"P-Pardon?" muling tanong ni Axel na tila hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
Seryoso nya lang itong tiningnan bago muling nagsalita.
"I'll do it." mariing tugon nya rito sabay tinitigan ito.
"Ah... Umm.. P-Pero Mr. Samson... S-Sigurado ka? I-I mean kaya ko naman, hindi mo naman kailangan—.."
Pinaningkitan nya ito ng mga mata dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.
"K-Kung ganun ikaw na Mr. Samson ang bahala sakanya.. ha-ha.. M-Magpapadala nalang ako ng room service para—.."
"No need." singit nya rito.
Nilapitan nya si Finn at dahan-dahang pinasan ito sa kanyang likuran.
"I-I see... then goodnight to both of you and... have a good rest." sagot nito na pinagpapawisan habang nakatingin sakanya.
Tumango lang sya rito sabay muling nagpaalam.
"Well then.. goodnight Mr. Villaforte and congrats to your wedding."
Lumabas na sya ng silid at iniwan ang lalaking tila tulala sa kinatatayuan.
Tumango lang ito na tila lutang sa mga nangyayare. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nasaksihan mula sakanya. Nagdududa ito kung sya ba talaga ang Samson na kilala nito base sa mga kakaibang ipinapakita nya.
Napailing nalang ito sabay malakas na sinampal ang sarili.
"Ah... lasing na rin ata ako kaya kung anu-ano na napapansin ko." anya ni Axel na tila wala sa sarili.
Napabuntong hininga na lamang ito habang nagkakamot na nilisan ang silid na iyon.
*****
Samantala sa gitna ng gabi at kabilugan ng buwan, matatanaw ang isang nilalang na mabagal na naglalakad sa mabato at may kaliitang daanan.
Tila hirap na hirap ito habang pagewang-gewang na naglalakad ganun pa man, ay hindi ito mapapansin sa mukha ng binata na seryoso at walang ipinapakitang ekspresyon.
Napakalamig din ng hanging dumadampi sa balat ni Zac sa kabila ng suot nyang black suit. Tinatangay din nito ang bagsak at maiitim nyang buhok na dating nakaayos.
"Hmmm..."
Napatingin si Zac sa binatang pasan matapos maramdaman ang pag-galaw nito.
"If you're awake... you better walk by yourself."
Unti-unting inimulat ni Finn ang kanyang mga mata matapos magising at makaramdam ng lamig sa buong katawan.
"Hmm... shi...no ka."
"Tsk!.. And now you can't even recognize someone? How pathetic." asar nyang sagot.
"Huh?! Who's pathetic?! Alam mo bang ang shama ng ugali mo?!Haaaiiisstt.. Pareho kayo ng gagong yun... ahh... kung hindi lang dahil sha pagkakautang ng Wilshon ay di ko tatanggapin ang offer nya... haaaa... that asshole bastard!!"
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...