Chapter 12: Meeting the Legendary Mr. Samson (Part 2)

4.5K 274 10
                                    

Muntik ng malaglag sa kinauupuan si Finn ng marinig ang sinabi ni Zac. Agad nyang naitukod ang paa sa sahig at kinalma ang sarili.

"Ah.. ha-ha! First meeting natin to right? kaya I'm sure na ngayun lang din kita nakita." pag-sisinungaling nya.

"Are you sure?" dudang tanong ng binata na naniningkit ang mga mata.

"Ha-ha! O-Oo naman. Diba sabi nila, may pito tayong kamukha sa buong mundo at isa pa may kambal din ako kaya—.."

"Oh, I forgot. May twin brother ka  nga pala named Finn. How is he? Where is he?" dire-diretsong tanong nito.

"E-eh? Ah.. s-sya ngayun ang nagma-manage ng company habang wala pa si Dad kaya busy sya ngayun." sagot nya na hindi makatingin sa binata.

"Really.. then how about you? I heard nasa Europe ka, and kaka launch lang ng new business mo." seryoso itong tumingin sakanya.

'Fuck! I'm doomed! Panu nya nalamang nasa Europe si Quinn?'

"Ah.. y-yeah, sabi kasi ng twin brother ko na g-gusto akong makita ng mga Samson kaya... p-pinabalik agad ako ng kapatid ko."

"Seems like your brother is really reliable huh." sabi nito na ininom ang wine.

"Oo."

"But you know... di mo naman kailangang umattend sa ganitong bagay." sabi nito na matiim na tumitig sakanya.

"P-pardon?"

"You know what I mean Ms. Wilson. I'm not interested in marrying someone like you and I don't even care. I heard malaki ang pagkakautang nyo sa Samson Corp. worth 100 million, and this is one of my father's condition in order to compensate your debts."

Namilog ang mga mata ni Finn, napanganga sya at naramdaman ang pamumuo ng galit sa kanyang dibdib.

"How about we make a deal? Kakalimutan ko ang utang nyo. I can even grant you a billion in exchange of your disagreement for the wedding."

"W-what do you mean?" nanginginig sa galit nyang tanong.

"Alam mo ang ibig kong sabihin Ms. Wilson. Isa pa wala na rin namang pag-asa na maisalba pa ang maliit nyong kompanya dahil sa mga lumabas na issue. Masyado ng mahina ang system ng management nyo, there's no need to exert an effort for a dying company—-.."

/splash!/

Naisaboy ni Finn ang wine sa mukha ni Zac. Hindi ito inasahan ng binata na napatigil sa pagsasalita. Nangangalaiti itong napapikit at pinunasan ang sariling mukha. Muli itong dumilat at nanlilisik ang mga matang tinitigan sya.

"You damn—..!"

Biglang sumulpot sa harapatan nito si Finn at gamit ang dalawang kamay na kinuwelyuhan ito.

"Wala kang alam!! Wala kang karapatang hamakin ang pinagsikapan ng pamilya ko!!" sigaw ni Finn na iniangat ang paningin sa binata, "Sa tingin mo gusto kong makasal sayo?! Hah! Kahit ikaw nalang ang natitirang nilalang dito sa mundo, mas pipiliin ko pang mamatay ng mag-isa kaysa makasama ang arogante at walang pusong tulad mo!" sigaw ni Finn na hinigpitan ang pagkaka kwelyo sa binata.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Zac na tumingin sakanya.

"Wala kang alam...! dahil nandyan ka sa posisyon na hawak mo ang leeg namin.. na nasa kontrol mo ang lahat ng bagay at anumang oras ay kaya mong idespatya lahat ng haharang sa dinaraanan mo... Pero pinaghirapan to ng Dad ko... Buong buhay nyang pinagsikapan to sa malinis na pamamaraan para lang sa pamilya nya.. di namin ginusto to... biktima din sya ng mga mapaglinlang na tao...." nanginginig ang mga kamay nya kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon