"I-I'm so sorry Sir, pero mukhang mainit po talaga ang ulo ni Sir Samson.. Pang-walong wineglass na po tong nababasag nya mula pa kaninang pag-alis natin." pinagpapawisang saad ng isa sa mga private flight attendant habang nanginginig na hawak ang maliit na tray na puno ng bubog at basag na wineglass.
Nakayuko ito sa harapan ni Mr. Sy at bakas ang takot base sa ekspresyon nito. Napabuntong hininga nalang sya sabay nasapo ang ulo.
"Ok, you may leave now." utos nya rito.
Dali-dali naman itong umalis habang nakayuko.
Maya't maya pa ay nakakunot-noo syang napatingin sa kurtinang nakasarado sa silid na pribadong inuukupahan ni Zac.
Kanina pa sya nagtataka sa kakaibang ikinikilos ng binata.
Wala pang alas-tres ng umaga at nasa kalagitnaan pa sya ng mahimbing na pagtulog nang tumawag ito sakanya. Maaga rin nagpasundo at ipinadala ang private plane samantalang may dalawang araw pa ito upang manatili sa isla.
'What's going on? He's acting weird again.'
Muli syang napabuntong-hininga sabay tinalikuran ito.
'Ah... gonna expect a hell week again...'
Samantala sa pagitan ng makapal na kurtina, isang binata ang tila nagtatangis sa kinauupuan habang nakabagsak ang ulo sa mesa. Isa itong senaryong malayo sa pagkakakilanlan sakanya ng mga taong nakapaligid sakanya.
Maiitim din ang paligid ng mga mata nito na halatang wala pang tulog magdamag.
'I'll never forgive you!.. I'll never!... never!..'
*****
El Villaforte de Izle
/knock! knock!/
"Come in."
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Axel na nakangiti kasama ang isang matandang katulong.
"How are you feeling?" tanong ni Axel na lumapit sa kanyang kama.
"Ah..." nag-aalangang napatingin sya kay Axel, napakamot sya sa pisngi bago muling nagsalita.
"Umm.. ah.. P-Pano nga pala... ako napunta rito?.. I mean.. medyo napainom ako kagabi kaya..." napalunok sya bago pilit na ngumiti, "... kaya...wala ako masyadong natatandaan."
"About that.." anya naman ni Axel na tila nagdadalawang-isip, "... haha.. hm.. balita ko gusto mong magpalipat ng kwarto kaya... dito ka nalang namin dineretso kagabi." dugtong nito sabay ngumiti sakanya.
Napatango na lamang sya sabay napayuko.
"Ganun ba... ha-ha.. Pasensya na, naabala pa kita."
"No problem.. Oo nga pala, ipinadala ko na rin ang mga gamit mo galing sa cabin kaya dito ka na mag-stay bago ka bumalik ng maynila."
"Ah.. No need, hindi rin naman ako magtatagal dito. Tumawag sakin ang sekretarya ko. May mga kailangan akong asikasuhin kaya't kailangan ko agad makabalik." anya nya rito.
"I see. Masyado kayong busy at workaholic ni Mr. Samson. Ang hirap siguro magpatakbo ng kompanya."
Napatigil sya at nagtatakang napatingin kay Axel.
"Si Mr. Samson?"
"Ah... yeah. Maaga syang umalis kanina pabalik ng lungsod. May mga importante daw syang aasikasuhin kaya umalis sya agad." wika nito.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...