Chapter 17: The Contract (Part 1)

4.3K 292 16
                                    

Biglang napatayo si Finn sa kanyang kinauupuan. Aksidente nyang naitukod ang namamagang paa dahilan para mawalan sya ng balanse at malaglag sa kinatatayuan. Malakas na bumagsak ang pwetan nya kasabay ang paghampas ng kanyang batok sa swivel chair.

"S-Sir!!"

Agad na tumakbo papalapit sakanya ang assistant na nagulat sa nangyare. Nag-aalala itong hinawakan sya sa braso at dahan-dahang tinulungang makatayo.

"Aiyaya! That fucking hurts!!. Aisht!" naibulalas ni Finn habang hinihimas ang batok.

"A-ayos lang po ba kayo Sir?"

"O-Ok lang ako, tulungan mo muna akong makaupo... Argh!!" daing nya kasabay ang panginginig ng kanyang mga tuhod.

Wala sana syang planong pumunta ng opisina dahil sa nangyareng insidente, ngunit maagang tumawag ang kanyang assistant at ipinaalala ang mga pipirmahan nyang dokumento. Dagdag pa sa alalahanin nya ang pagbisita ng pinaka kinaayawan nyang tao sa buong mundo, si Zac Ulyssis Samson.

Humugot sya ng malalim na hininga ng tuluyan na syang makaupo.

'Fuck!! What am I going to do?! Panu pag nakilala nya ako? Damn it!! Kailangan mong mag-isip Finn!!'

Inabot nya ang cellphone sa bulsa at agad na tiningnan ang sariling repleksyon. Kumunot ang noo nya ng maalalang inahit at pinanipis nga pala ng kaibigan nya ang makakapal nyang kilay kaya mas nagmukha babae ang mukha nya.

'Fuck! Fuck! Fuck!'

Asar nyang inihagis ang cellphone sa kanyang mesa. Napasabunot sya ng biglang may kumatok sa pinto.

"Come in." anya Finn na wala sa sarili.

Pumasok ang isang babae na nakasuot ng itim na face mask. Ito ang kanyang bagong secretary na wala pang isang linggo sa posisyon.

" /cough!/ Sir, nandito na po si Mr. Samson."

Parang gustong mahimatay ni Finn sa kinauupuan. Hinihiling nyang bumuka ang sahig at lamunin sya pailalim.

"Ms. Torres, ba't ka naka face-mask sa loob ng opisina?" tanong ni Mr. Santos sa dalaga.

"P-pasensya na po Sir. /cough!/ Masama po kasi ang pakiramdam ko /cough! cough!/ .."

Napatingin si Finn sa sekretarya at napangiti. Namula naman ang pisngi ng dalaga ng mag-tama ang paningin nila. Agad na umiwas ito ng paningin ngunit halatang kinikilig pa rin.

"Ms. Torres, come here." tawag ni Finn dito sabay ngiti.

"S-Sir?"

Nagtataka ding napatingin sakanya ang kanyang assistant.

"Mr. Santos, please lead Mr. Samson up here." utos nya rito.

"Yes Sir."

*****

Nakaupo sa mahabang sofa si Zac na tila naiinip na. Kumunot ang noo nyang napatingin sa relo.

Pinagtitinginan sya ng mga babaeng receptionist at ilang mga empleyado sa gusaling iyon. Naghahagikhikan ang mga ito at nagbubulungan sa isa't isa. Namumula pa ang mga pisngi nito tuwing iniaangat nya ang kanyang paningin.

"Gosh! Ang gwapo pala sa personal ni Mr. Samson!"

"Kyaahh!! Hindi ko akalaing bibistahin tayo ng may ari ng Samson Airlines."

"Sya ang Samson na kilalang businessman?! My god! Ang bata nya pang tingnan. Akala ko isang Senior na ang tinutukoy nila."

"Ssshhh! Wag nga kayong maingay, mamaya mapagalitan pa tayo ni Sir Wilson.."

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon