Chapter 15: Perplexed Hearts (Part 3)

4.2K 248 41
                                    

"Ah! Ah! Argh! Ah! M-Mr. Samson, s-spare me.. oh! Oh! P-please b-be gentle on me.. ah!" ungol ni Finn.

"Shut up, hindi pa ako tapos. Wag kang masyadong malikot." sagot naman ni Zac na halos pagpawisan sa ginagawa.

"I-it hurts..Oh!.. ahhh!" naibulalas niya.

"You have to endure it... relax yourself." tugon ng binata na diniinan ito.

"Aaahhh!! Fuck!! Haah! Haah!" habol hiningang sigaw ni Finn

Tiningnan sya ni Zac na napabuntong-hininga. Ilang sandali pa ay nilagyan na nito ng bandage ang bukong-bukong nya. Sobra ang pamamaga nito dahilan para nakaramdam ng sobrang sakit si Finn.

"Stay here, I'll put this outside." tumayo si Zac dala ang palanganita at ang bimpo.

Pinagpapawisan pa rin si Finn na tumango sa binata. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Halos isumpa nya ang binata na pwersahan ang lakas sa pag-gamot sakanya.

'That bastard! I'll kill him once I get out of here!'

*****

Pabagsak na inilapag ni Zac ang palanganita sa may lababo. Binuksan nya ang gripo at agad na napahilamos ng ilang beses. Humahangos syang napatingin sa sariling repleksyon sa salamin.

'What the hell was that lewd moan.'

Halos kilabutan sya tuwing naaalala ang mga ungol nito at ang mga mata nito na nababalot ng luha.

'Damn it!'

Napapikit sya at muling napahilamos.

*****

Tumunog ang cellphone ni Finn habang minamasahe nya ang sariling binti. Napatingin sya sa relo at napangiwi. Agad nyang sinagot ang tawag at mahinang nagsalita.

"Hello."

["Sir Finn, nasan na po ba kayo? Kanina ko pa kayo hinihintay dito sa office."] pagmamaktol nito sa kabilang linya.

"W-What? Nandyan ka parin sa mga oras na to Mr. Santos?"

["Sabi nyo po kasi mag stay ako rito, akala ko naman po ay babalik din kayo."]

Napapikit si Finn na halatang iritable. Nasapo nya ang noo at pinilit na pakalmahin ang sarili.

"Ok ok.. May nangyare kasi kaya di ako nakabalik. Wag mo na akong hintayin, pwede ka ng umuwi."

["Yes Sir."]

"W-w-wait!" pigil nya rito.

["Sir?"]

"Alam mo ba yung... Salux Hotel?" bulong nya rito.

[Yes Sir.]

"Good, then pick me up here."

["Noted Sir."]

Ibinaba nya ang cellphone kasabay ng pagbukas ng pinto. Nagulat sya sa pagpasok ng binata dahilan para mabitiwan nya ang cellphone.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon