Chapter 33

3.9K 247 7
                                    

•••••

/ hic! hic! sob!/

Nilapitan ni Zac ang batang kanina pa umiiyak. Hawak nito ang may kalakihang teddy bear habang nakaupo sa kawayang upuan.

Tumayo sya sa harapan nito sabay hinawakan ang ulo ng maliit na bata.

"Bakit ka umiiyak?"

Dahan-dahang iniangat nito ang paningin sakanya. Namumula ang buong mukha nito na puno ng mga luha.

"Za-Za, /hic!/ I want to be Za-Za's bride... b-but sabi ni Mommy, h-hindi daw pwede.. /sob!/.."

Tiningnan nya ito sabay naupo sa tabi nito.

"It's because we're still young. Mommy told me na dapat adult na at may work na bago magpakasal." anya nya rito.

Napatigil ito sa pag-iyak at nagtatakang tiningnan sya.

" /sniffs/ S-So it means I can still become Za-Za's bride if adult na ako?" tanong nito na napasinghot.

"Umm!" tugon nya habang nakangiting pinupunasan ang mga luha nito.

"Promise?" tanong nito na itinaas ang maliit na hinliliit ng daliri.

"Promise!"

Biglang lumiwanag at nagkislapan ang mga mata nito sa sinabi nya.

"Hehe!! Za-Za is the best!"

•••••

Nagising si Finn sa liwanag na tumatagos mula sa bintana. Naririnig nya rin ang huni ng mga ibon na tila kaysarap pakinggan.

Kinapa nya ang malambot na kumot habang nakapikit ang mga mata, itinaas nya ito sabay ibinalot sa sarili nyang katawan. Niyakap nya rin ang mabangong unan sa tabi nya.

'Ah... so soft... and warm..'

Napangiti sya at komportableng itinuloy ang pagtulog ngunit wala pang ilang segundo ng mapabalikwas sya sa kinahihigaan.

'Huh?! Nasan ako?!'

Inilibot nya ang paningin sa kanyang paligid, maya't maya pa ay naalala nyang nasa mansyon nga pala sya ni Zac matapos na sundan nya ito.

'Ah! Damn it!'

Hindi nya namalayan ang paglipas ng oras, mataas na ang sikat ng araw ngunit kakagising palang niya. Dapat sa mga oras na ito ay nasa trabaho na sya at inaasikaso ang ilang mga papeles.

'Fuck! That bastard! Kung hindi dahil sa ginawa nya di to mangyayare!'

Nagtataka syang napatingin sa kumot na naka-balot sa katawan nya pati na sa malambot na unan.

'Huh? Kelan pa—... fuck!!'

Bigla nyang naalala ang folder na itinago nya. Kung pumasok ito sa kwarto ay siguradong dahil sa folder kaya naman dali-dali nyang binuksan ang drawer sa tabi ng kama nya.

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang nawawala na ito. Imbes na folder ay isang itim na envelope ang kanyang natagpuan rito. Wala syang natatandaang may envelope sa loob nito ng gabing yun kaya naman nagtataka syang kinuha ito.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon