"M-Mr. Samson... that..." pautal-utal na tugon ni Mr. Augustus.
Napatingin sa gawi nila ang lahat ng mga binatang abay na makikisali sana sa aktibidad. Tahimik ang mga ito na halatang gulat na gulat sa mga nangyare.
Napalunok din sa kinatatayuan si Axel ng makita ito. Iniisip nito kung napalakas ba ang pagkakahagis rito dahilan para aksidenteng makarating ito sa kinaroroonan nina Zac.
Walang sinuman ang naglakas loob na magsalita o kaya naman ay maglabas ng kung anumang klaseng ingay, lalo pa't alam ng mga ito kung gaano siya ka respetadong tao at kalaking pangalan ang mga Samson.
Alam rin nila kung anong klaseng tao ang Samson na kasama nila ngayun kompara sa ama nito. Bukod sa mataas na posisyong kinabibilangan nito ay maiinitin din ang ulo ng binata kaya't walang naglalakas loob na galitin sya.
Ilang sandali pa ay nagsalubong ang mga kilay ni Zac ng mapagtanto kung ano ang bagay na ito. Alam nya rin ang paniniwala tungkol rito na kung sino man ang maswerteng makakakuha nito, ay ang sunod na ikakasal ngunit ganun pa man ay hindi sya naniniwala sa mga 'walang kwentang bagay' na ito.
Naniniwala pa rin syang tao mismo ang gagawa ng sarili nyang kapalaran at siya rin ang pipili at magdedesisyon sa kung ano ang gugustuhin nyang mangyare.
Napabuntong hininga na lamang siya sabay inihagis ang hawak na garter sa matandang kaharap nya. Agad naman itong sinalo ng matanda na kanina pa hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nya.
"I-I'm so sorry about that Mr. Samson." anya ni Mr. Augustus.
Napatikhim lang siya bilang tugon dito sabay tahimik na ininom ang hawak na wine.
*****
Matapos ang kasal at maikling event na idinaos sa reception area, ay nagsimula ng magsaya ang lahat ng mga imbitado sa kasal.
Halos lahat ng mga bisita ay mga kilalang personalidad at mga negosyante. Agad itong nagsipuntahan lalo na ng malaman nilang isa ang Samson sa mga guest. Ito na kasi ang pagkakataon nila upang 'magpabango' at ipakilala ang kani-kanilang mga negosyo sa binata kaya't ganun na lamang ka-pursigido ang mga ito.
Halos si Zac na rin ang naging sentro ng atraksyon imbes na ang bagong kasal. Nagkukumpulan ang mga ito at pinaligiran ang binatang kanina pa masama ang timpla ng mukha.
Tahimik lang ito habang nakakusot ang noo na halatang iretable na. Halatang hindi rin ito interesado sa mga sinasabi ng mga taong yun na tila ba mga bubuyog na bumubulong sakanya.
Samantala...
Kung si Zac ay mala araw ng mga patay at biyernes santo ang pagmumukha, tila mala pasko at bagong taon naman kay Finn.
Abot tenga ang ngiti nito na bakas ang kagalakan habang pinapaligiran ng mga nag-gagandahan at nag-seselsihang kadalagahan. Nakaupo sya sa gitna ng sopa habang kausap ang mga ito at umiinom ng masarap na wine.
"Eh? Sa gwapo mong yan wala ka pang girlfriend?" anya ng isang dalagang nakaupo sa tabi nya.
"Hahahahaha!! That's right... but.. I guess tonight will be the last of being single." sagot nya rito sabay kinindatan ito.
"Kyaaaahhh!!"
Lumakas ang tilian at hagikhikan nito matapos marinig ang mga sinabi nya. Halata din namang nasiyahan si Finn sa mga naging reaksyon nito.
Ilang sandali pa ay nilapitan sya sa kinauupuan ng dalawang bagong kasal.
"Finn!"
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...