"What?! Paano nangyare yun?! Anong dahilan para sa agarang reversal?!!" kumunot ang noo nya sabay nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"S-Sir, nagtanong na rin po ako pero... Wala pa silang iniiwang sagot. Mukhang wala rin po silang balak na magpaliwanag pa base sa tono ng nakausap kong sekretarya." nakayukong sagot nito.
"That bastard!"
Galit na galit na ibinagsak ni Finn ang kanyang mga palad sa ibabaw ng mesa na ikinagulat ng kanyang sekretarya at assistant.
"S-Sir Wilson? Ano na pong gagawin natin? Wala pa sa kalahati ang nababawi natin mula sa mga nawala sa kompanya at ngayun—-.."
"Ms. Torres, request for an appointment with Mr. Samson. I want to talk with that fucking bastard right now!" anya nya sa kanina pang tahimik na sekretarya na nakatayo sa tabi nya.
"Y-Yes Sir."
Dali-dali itong lumabas ng kanyang opisina upang gawin ang ipinapagawa nya.
"... and Mr. Santos, check the recent report of the company." anya nya naman sa assistant.
"Noted Sir." sagot nito na lumabas na rin.
Napahilamos sya sabay nakakunot noong napabuntong-hininga. Nanginginig nyang binuksan ang laptop sa harapan nya at nag-iwan ng e-mail sa Samson Corp.
'That bastard! How dare him betray our agreements! I'll fucking kill him when I saw that damn asshole!"
Ilang minuto pa nga ang nakalipas, ay ilang mabibilis na katok ang narinig nya mula sa pinto.
"Come in!" utos nya rito habang nasa ginagawa pa rin ang atensyon.
Bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Ms. Torres. Bakas ang kaba sa mukha nito at bahagyang nanginginig pa.
"S-Sir, nakausap ko na po sila pero... nireject po nila ang request natin. Aalis daw po ngayun papuntang Europe si Mr. Samson for business trip, kaya hindi daw sila tumatanggap ng appointment." paliwanag nito.
"What?!! That..!! Fuck!!!"
Halos maubusan na ng sasabihin si Finn. Agad syang napatayo sa kinauupuan sabay mabilis na dinampot ang susi ng sasakyan.
Namimilog naman ang mga mata ng kanyang sekretarya na nagtataka sa kilos nya.
"S-Sir, san po kayo pupunta?"
"I'm gonna kill that asshole, so you better prepare a golden coffin."
"S-Sir?!" sagot nito na nabigla sa sinabi nya.
Patakbo syang lumabas ng opisina at nagmamadaling bumaba ng gusali. Agad syang dumiretso sa parking lot matapos makababa. Binuhay nya ang makina ng sasakyan at agad nya itong pinatakbo habang nangangalit sa sobrang galit.
'Heh?! Balak mong tumakas matapos ang ginawa mo?! In your dreams! Hindi kita hahayaan makaalis hangga't hindi mo ipinapaliwanag ang kagaguhang ito.'
*****
Samson Corporation
"Sir, nag request po ng appointment ang FQ Wilson Corp. Gusto ka daw po makausap ni Mr. Wilson para sa detalye ng reversal." anya ng sekretarya ni Zac.
Hindi nya ito pinapansin na tila walang pakealam sa bagay na ito.
"Sir?" singit naman ng personal assistant nya na nakatayo sa gilid at naghihintay ng kanyang isasagot.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...