Chapter 42: Bad news

3.6K 217 12
                                    

Patingin-tingin sa buong paligid si Finn habang nakasilip sa tabi ng isang poste. Hawak nya ang wineglass at maya't maya kung mapalingon sa malaking pintuan na nasa tabi ng entablado.

Halos dalawang oras na ang nakakalipas matapos magsimula ang event at hanggang sa mga oras na ito, ay hindi pa nya nakikita ang anino ni Madam Clarivel.

Hindi kalayuan sa kinaroroonan nya, ay nakatayo ang mag-asawang Samson na halatang okupado sa pagtanggap ng ilang pag-bati ng mga bisita. Nakangiti ang mga ito habang nakikipag-kamay sa mga amerikanong wari nya ay mga kilalang tao.

Bahagyang inayos nya ang kanyang suot na salamin sabay muling napatingin sa isa pang pintuan sa kaliwang bahagi.

'Madam Clarivel?'

Kasama ng matanda si Ms. Valerie na nakangiting inaalalayan ito papasok ng silid.

Wala sa sariling sinundan nya ito dire-diretsong tumungo sa isa pang silid kung saan pumasok ang matanda. Maya't maya pa bago pa man sya makalapit rito, ay bigla syang hinarangan ng dalawang naglalakihang-katawan na security.

Agad syang napaatras sa pagsulpot ng mga ito, kinalma nya ang kanyang sarili upang hindi maging kahina-hinala sa padalos-dalos nyang desisyon ng pagpunta rito.

'Ba't di ko naisip na mahigpit nga pala ang military-trained security personnel ng mga Samson? Ah damn it!'

"Ah... haha! Hi?"

Nagsalubong ang kilay ng dalawang lalaki sabay lumapit sakanya.

"Miss, bawal po kayo rito."

"Pasensya na, gusto ko lang sana makausap si Madam Clarivel." anya nya na nakangiti.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki bago muli syang hinarap. Napatingin ito sa simpleng kasuotan nya na may pagdududa sabay seryosong nagsalita.

"Pasensya na Miss, pero pribadong lugar ito para lamang sa mga Samson at VIP guests na may pahintulot mula kay boss."

"Pero hindi naman ako magtatagal, gusto ko lang—..."

Agad syang hinawakan ng mga ito sa magkabilaang braso sabay hinila sya palayo.

"Ah?! W-Wait! Let me explain!"

"Pasensya na Miss, mahigpit pong pinag-uutos ni Mr. Samson na huwag tatanggap at magpapapasok ng kung sinu-sino lang, kaya kung maari lang po—..."

"Too noisy."

'Huh?'

Napahinto at binitawan sya ng dalawang security sabay napalingon sa pinanggagalingan ng maawtoridad na boses. Agad na tinuwid ng mga ito ang pagkakatindig sabay magalang na napayuko.

"S-Sir."

Napalingon si Finn sa pamilyar na malamig na boses na tila ba nagbibigay kilabot sa mga taong makakarinig nito.

Sa gitna ng pasilyo nakatayo ang matangkad at napaka-gwapong lalaki suot ang itim na tuxedo.

Yumakap ang suot nito sa mala-adonis na pangangatawan ng binata na tila ba isang prinsipeng nagmula pa sa napakalayong kaharian. Ang tindig nito na puno ng awra ng pagiging maharlika at ang mala-bathala nitong mukha na tila ba ang bawat detalye ay maingat na hinulma mula sa mamahaling materyales.

Isa lang ang papasok sa isipan ng lahat ng makakakita sa taong ito... masyadong nakakabulag ang kagwapuhan ng binata kahit saanmang angulo ito kung titigan.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon