Chapter 43: Rival

3.3K 196 7
                                    

/bang!/

Kumalabog at malakas na bumukas ang pintuan sa silid ni Mr. Charles. Malalaki ang hakbang ni Zac na lumapit sa ama sabay matalim na tinitigan ito.

"What's the meaning of this?"

Bawat salitang binibitawan nya ay may halong hindi maikubling galit dahilan upang madagdagan ang tensyon sa loob ng malaking silid. Pansin din ang mabigat na pakiramdam mula sakanyang mga mata na tila ba pinipigilang wag kumawala ang nakatagong halimaw.

Sinenyasan ni Mr. Charles ang kausap nitong assistant na iwan silang mag-ama. Matapos ito, ay nilingon sya ng ama at kalmadong nagsalita.

"What do you mean?"

"Kailan pa kayo nagdesisyon ng hindi hinihingi ang opinyon ko?" tugon nya rito.

"Oh, you mean the wedding?" nagsalin ito ng red wine sa baso sabay napabuntong-hininga, "... napag-usapan na natin to hindi ba? I told you, I don't want to meddle in this matter so I want you to pursue the agreement on your own. Instead you—-...  /sigh~/  you leave me no choice but to intervene 'cause until now, there's no progress in your way of  handling and processing good relationship with her."

"You still want to control me only for your own satisfaction?!"

"Son... this is all for your own good. Hindi ka na bata at sa susunod na taon ay tuluyan mo ng mapapasakamay ang buong 'Samson Group'. Zac, isa lang ang hinihiling namin ng Mom at Mamita mo. Isa pa, bago ma-ospital si Robert ay napag-desisyunan na namin ang tungkol sa marriage agreement. Malaki ang potensyal ng mga Wilson sa mundo ng pagnenegosyo noon pa mang hindi nangyayare ang insidente at ngayun kahit na nasa kritikal na kalagayan si Mr. Wilson, ay nais ko pa ring ituloy ay nasimulan naming kasunduang mag-kaibigan. Sa mundong ginagalawan natin, dapat mas maging matalino tayo sa pagpili ng mga kakampi at mapagkakatiwalaan."

"You mean—..."

"Yeah, that's right."

'Ridiculous!'

Hindi makapaniwala si Zac sa sinabi ng kanyang ama. Nais nitong siguruhing mananatili paring nasa tugatog ng liwanag ang kanilang pangalan, at balak din nitong ipunin ang lahat ng may malalakas na potensyal upang maging kasangga sa mga malalakas na kalaban.

Sa mahigit 50 taon simula pa sa pamamahala ng kanyang lolo na si Roman Samson, ay masasabing kahanga-hanga ang talento ng kanilang henerasyon. Nananatili pa rin ang kanilang pangalan sa pinakamalakas at matagumpay sa pagnenegosyo, ngunit sa paglipas ng panahon ay lumalakas din ang kanilang mga kakompetensya.

Batid nyang mataas ang pangarap ng kanyang ama, tila isa itong leon na mahigpit na binabantayan ang kanyang teritoryo at pag-aari upang huwag maagaw at malapitan ng kung sinuman.

Masasabing magkapareho ang kanilang pag-uugaling mag-ama, ngunit ni'minsan ay hindi pumasok sa kanyang isipan ang gusto nitong mangyare. Mas malaki at malawak ang kanyang pag-iisip at layunin kompara rito.

Hindi nya na kailangan pa ang anumang suporta o kakampi upang manatili sa kanyang trono. Sa loob ng limang taon nyang pamamahala, ay mag-isa nyang napagtagumpayan ang kanyang posisyon.

Marami ang nagsasabing isa syang 'halimaw sa mundo ng pagnenegosyo'. Nirerespeto at kinatatakutan ng kapwa malalaking pangalan sa iba't ibang larangan. Ang natural nyang talento na tila kakambal ng kanyang lolo noong nagsisimula pa lamang ito. Ang pangalan na iniiwasan ng lahat na malapitan at kalabanin.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon