Chapter 25: Haunted by Memories (Part 1)

4.1K 238 8
                                    

"You... what are you doing here?" tanong ni Zac sakanya na naniningkit ang mga mata.

"Ako? Silid ko to, eh ikaw Mr. Samson? Anong ginagawa mo rito?"

Tinitigan sya nito bago napatingin sa coat nito na nasa sahig. Kumunot noo nitong ibinalik ang paningin sakanya.

"This is my room too..what else could it be? And that thing on the floor... that's also mine." anya ni Zac na itinuro ang bagay na tinutukoy nito.

"H-Huh?" agad syang napayuko sabay dampot ng coat nito ngunit bigla sya nitong pinigilan ng ilalapag nya na sana ito sa kama ng binata.

"No.. no.. not in my bed."

Naka krus ang mga braso nitong ininguso ang pinto palabas ng silid.

"Eh?"

Nagtataka naman syang tinitigan ito, di nya makuha ang ipinipahiwatig at ibig-sabihin nito.

Ilang sandali pa ay napairap si Zac ng mapansing di sya gumagalaw sa kinatatayuan. Napabuntong hininga ito na inulit ang senyas sakanya.

"Geez, you're amazingly stupid huh.. Have you forgotten how to use your own brain? I really wonder how you managed to save your company using that moronic brain of yours." iritableng tugon ni Zac na lumapit sa sarili nitong kama.

"W-What?"

Nagpanting naman ang tenga nya sa sinabi nito. Tila ba nagsi-akyatan ang lahat ng dugo nya sa ulo. Bahagyang nanginig ang kamao nya na nakaramdam ng pangangati.

"Throw it in trash bin outside the cabin. I can't use it anymore." sagot nitong naupo sa kama at binuksan ang laptop.

Hindi sya nito tiningnan na nasa screen ang buong atensyon.

Ilang sandali pa ay biglang lumipad at tumama sa mukha ni Zac and coat nito. Napatigil ang binata sa ginagawa at unti-unting tinanggal ang sumabit na coat mula sa ulo nito.

"Mr. Wilson..!" madiing tawag nito sakanya habang nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan sya.

"Heh? What is it YOUNG MASTER? Hindi ko po kasi masyadong narinig ang ipinaag-uutos nyo.. stupid? Moronic? Oh.. I see, ikaw nga pala si Mr. Samson na kinakatakutan ng lahat. Well sorry to say this MR. SAMSON.. Pero hindi mo ako utusan. It doesn't mean na malaki ang itinulong ng Samson Corp. sa company ko ay hawak mo na at kontrolado pati kami." anya nya rito sabay mapang-asar na ngumisi.

"Huh?! What are you talking ab—.."

"Yeah, yeah whatever.. you can now fucking enjoy this room by yourself asshole. I will get the hell out of here and find another place to stay. Well then.. Adios motherfucker!"

*****

(After 1 hour)

"W-What?!"

Nasa tapat ng nag-iisang hotel sa isla si Finn at kausap ang babaeng receptionists. Dala nya ang maleta na puno ng damit na gagamitin nya sa tatlong araw na pananatili sa isla.

"I'm really sorry Mr. Wilson." anya nito.

Ayon sa dalaga ay wala ng bakanteng silid sa isla dahil puno na ito ng ilang mga bisita na nauna pa sa kanilang dumating. Wala rin doon si Axel na kanina nya pa tinatawagan ang telepono.

'Fuck!! I can't believe this.!'

Napahilamos na lamang sya sabay napaupo sa sofang nasa lobby. Biglang pumasok sa isipan nya ang mga salitang binitawan kay Zac. Hindi nya namalayang sa sobrang inis nya ay kung anu-ano na pala ang nasabi nya rito.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon