"Morning."
Bumukas ang kwarto ni Finn at iniluwa nito ang kambal nya na naka pajama. Naghihikab pa itong lumapit sa kitchen at binati sya. Nginitian nya ito at inilabas ang almusal na inihanda nya.
Hindi sya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Punong puno ang isipan nya ng mga katanungan kung pano nya aayusin ang malaking problema na kinakaharap.
"Finn? San ka pupunta?" tanong ni Quinn na napansing nakabihis na sya.
"Umm.. May aayusin lang akong importanteng bagay kaya—-.."
"Pupunta ka sa mansyon?" singit ng kapatid nya na ibinaba ang toasted bread, "...kilala kita Finn, alam ko ang iniisip mo. Alam kong hindi mo papalampasin to."
Napanganga sya sa sinabi ni Quinn. Tunay ngang magkambal sila dahil pati ang iniisip nya ay nababasa nito. Napabuntong hininga sya na tinitigan ang dalaga.
"Don't worry, gusto ko lang silang makausap."
"Then I'll go with you." sagot ni Quinn na tumindig sa kinauupuan.
"No, you should stay here. Just finish eating your breakfast and wait for me.
"Please Finn.. Diba nangako tayo sa isa't isa? Remember, the pinky swear we made when we were kids? Kung ano man ang problema, sabay nating haharapin yun right?" sabi ni Quinn na tila nagmamakaawa.
Muli syang humugot ng malalim na hininga at napapikit.
"Fine."
Nakangiting naupo muli ang dalaga at nagmamadaling tinapos ang almusal.
*****
Nasa tapat ng malaking gate sina Finn at Quinn na pilit na nakikipag girian sa guwardya.
"I said let him in!! How dare you disobey my order!" galit na sigaw ni Quinn.
"P-pero Ma'am magagalit po sakin si Sir pag pinapasok ko si Sir Finn." takot na sagot nito.
"Just do what I told you and I'll make sure to take all the consequences after this ok?"
Napayuko ang guwardya na tila nag-iisip. Maya't maya pa ay binuksan nito ang tarangkahan at pinapasok sila.
Tahimik na binuksan ni Quinn ang pinto at pumasok kasama nya. Bumulong pa ang dalaga sakanya bago sumulpot ang isang matandang babae.
"Q-Quinn? Finn?"
Nagulat sila at dahan dahang lumingon.
"M-mom?" sambit ni Quinn.
Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.
"Thank God, I'm really worried about you. Hindi mo sinasagot ang tawag namin ng Dad mo, akala namin kung ano ng nangyare sayo." sabi nito na lumuha at yumakap sa dalaga. Napatingin din ito kay Finn na tahimik na nakayuko, "... My son.. babalik ka na ba ulit samin?"
Sasagot na sana si Finn ng biglang lumabas mula sa isang silid ang kanyang ama.
"Hah! Nakapag isip-isip ka na ba? Alam mo na kung ano kalalabasan ng pagsuway mo samin. Hah! I guess naghihirap ka na ngayun." sabi nito ng may pagmamataas.
"H-hon—.."
"Tsk! Yeah I realized." singit nya sakanyang ina at ngumiti, "..that I made a right decision."
Biglang nangunot ang noo ng kanyang ama at pasigaw na dinuro sya.
"You shameless bastard! How dare you—-.."
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...