Chapter 34: We Meet Again (Part 1)

4.4K 236 13
                                    

Lumipas ang dalawang linggo na maayos ang sitwasyon ng FQ Wilson. Dumadami rin ang investors nila lalo pa't isa sa malaking shareholder nila ang mga Samson.

Kahit subsob sa trabaho ay hindi nya pa rin nakakalimutang bisitahin ang kanyang ina ata ama'ng nasa ospital. Hanggang ngayun ay wala pa ring pagbabago sa kondisyon nito at wala ring kasiguraduhan kung magigising pa ba ito mula sa pagkaka-comatose.

Ayon kasi sa doctor noong ipatawag sya nito, ay palala ng palala ang lagay ng kanyang ama at may tyansang hindi na ito magising pa kaya naman gusto nito na hangga't maaga ay maging handa na sila sa maaaring mangyare.

Masakit para sakanya ang balitang ito. Kahit na hindi sila magkasundo ng kanyang ama ay malaking bahagi parin ito ng kanyang pagkatao. Mas gugustuhin nya pa'ng maayos ang samaan nila ng loob kesa unahin ang galit nya rito.

Hindi nya ring maiwasang mag-alala at matakot sa pwedeng mangyare sa kanyang ina kaya naman hindi nya na ipinaalam pa ang tungkol dito. Lagi nyang sinisiguro na maayos ang lagay nito at hindi ma-stress sa kung anumang balita.

Lagi nya ring sinasabi dito na maayos ang lagay ng kanyang ama sa tuwing magtatanong ito. Hindi nya kasi ito pinapayagang pumunta ng ospital, ayaw nyang maulit na naman ang nangyare noong unang beses na puntahan nya ito.

Wala ring alam ang kambal nya tungkol sa bagay na ito. Lagi kasi itong busy sa boutique na pinapatakbo nito simula ng magbukas ito. Balita nya kasi ay malalaking negosyante at pangalan ang mga kliyente nito kaya naman, hindi pa sila nagkakausap ng maayos ng dalaga.

Halos pabagsak syang naupo sa sofa pagdating nya ng condo. Madilim ang buong paligid, tanging liwanag na nagmumula sa buwan at nagtataasang gusali ang nagsisilbing ilaw nya.

Masyado syang pagod kaya naman hindi nya na inabala pa ang sariling buksan ang ilaw. Ilang sandali pa tumawa sya ng mapakla sabay isinandal ang likod sa kinauupuan.

Hindi nya akalaing nagagawa nya pang pagsabay-sabayin ang lahat ng problema at trabaho nya. Kung meron lang matatanggap na award sa katulad nya ay siguradong sya na ang unang nakakuha at nakatanggap nito.

Unti-unti nyang inalis ang suot na necktie sabay inabot ang kanyang cellphone.

Bumulaga agad sakanya ang ipinadalang mensahe ng kanyang sekretarya kalakip ang isang imbitasyon.

•••••

TO: Mr. Finn Wilson/ FQ WILSON CORPORATION

EVENT: ASIAN AC BUSINESS AVIATION CONFERENCE AND EXHIBITION

DATE & TIME: XX/XX/XXXX _ 8:00 pm

•••••

Napabuntong hininga sya sabay inihagis ang cellphone sa sofa.

Naalala nyang kinabukasan na nga pala ang nasabing event, ipinaalam ito sakanya ng kanyang assistant noong nakaraang linggo ngunit hindi nya masyado itong pinansin dahil sa dami ng kanyang ginagawa.

Isa ito sa pinakamalaking event na dinadaluhan ng malalaki at kilalang negosyante mula sa iba't ibang dako ng Asia. Bukod sa magaganap na conference at exhibitions ay ito rin ang pagkakataon ng mga maliliit na kompanya at negosyanteng tulad nya na ipakilala ang kani-kanilang negosyo. Maaari rin silang makakuha ng mas malalaking investors at kung ano pa man.

Napapikit na lamang sya sabay ipinatong ang braso sa kanyang noo.

Alam nyang ito na ang tyansa nyang ibangon muli ang kanilang kompanya kaya isa itong malaking opurtunidad. Ayaw nyang biguin ang kanyang ama at gusto nyang maibalik sa dati ang kompanya bago pa man ito magising.....yun ay kung magising man ito.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon