Maagang nagising si Finn bilang paghahanda sa araw ng kasal ng kanyang kaibigan. Napatingin sya sa katabing kama, napansin nyang bakante ito at tila ba hindi nagamit.
'Huh? Don't tell me hindi sya bumalik at natulog dito kagabi? Ah.. nevermind, di ko na problema yun..'
Ilang sandali pa ay naalala nya ang mga nangyare noong gabing iyon.
Bata pa lang, ay takot na sya sa tunog ng kulog at kidlat. Ayaw nya rin ng tunog ng malakas na ulan, tila ba hindi sya makahinga tuwing naririnig nya ang pagbagsak nito lalo na kapag may kasamang malakas na kulog at kidlat.
Hindi nya alam kung bakit ganun na lamang kalaki ang takot nya sa mga normal na bagay na ito. Wala din syang matandaang pangyayare o insidente sa nakaraan na naging dahilan nito.
Bigla ring pumasok sa kanyang isipan ang ginawa ng binata dahilan para mapakunot-noo sya.
'That bastard... he's kinda.. weird.'
Hindi nya maintindihan kung anong dahilan ng mga ikinilos nito, para bang hindi ito ang Zac na kilala nya.
Ang mapungay nitong mga mata habang nakatitig sakanya kompara sa normal nitong malalamig na titig. Ang kamay nitong puno ng pagmamahal na maingat na hinihimas ang kanyang ulo kompara naman sa mailap nitong mga kilos na ayaw mahawakan nino man.
Nakaramdam sya ng konting kaginhawaan ng mga panahong iyon at tila ba nawala ang lahat ng takot nya't pag-aalinlangan.
Napailing na lamang sya sabay tumayo at lumakad palabas ng silid.
*****
(Day 2: Wedding Ceremony)
"... and you may now kiss the bride.."
Biglang naghiyawan ng malakas ang lahat ng mga abay nang itinaas ni Axel ang belong nakatakip sa mukha ni Sandy. Kapwa ito nakangiti na bakas ang hindi maipaliwanag na kaligayahan.
Ilang sandali pa ay iniangat ni Axel ang baba nito at matamis na hinalikan ang kanyang asawa.
"Wooooooohhhhh!!!"
Malakas na nagpalakpakan at hiyawan ang lahat ng mga bisita matapos na masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Humarap ang bagong kasal sakanila kasabay ang pagsaboy ng mga abay ng mga talulot ng bulaklak.
Napangiti si Finn habang pumapalakpak na nakatitig sa dalawa. Ito ang unang beses na personal syang nakasaksi ng isang kasalan, wala pa naman kasi sa mga kaibigan nya ang ikinakasal kaya naman iba't ibang emosyon ang kanyang naramdaman ngayun.
'... Mukhang ang saya nila.. Ano kaya... sa pakiramdam ang makasal sa taong mahal mo?'
•••••
Flashback
(1 year ago)"Happy anniversary babe."
Hinalikan ni Finn si Aries sabay niyakap ito ng mahigpit.
"Happy anniversary too babe." sagot nito habang nakangiting sinuklian ang mga yakap nya.
Nasa loob sila ng mamahaling villa habang magkayakap na magkatabi sa malambot na kama. Hinimas nya ang ulo ng dalaga sabay napapikit na hinalikan ang noo nito.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomansaKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...