Chapter 13: Perplexed Hearts (Part 1)

4.4K 242 5
                                    

"W-What?!"

["S-Sir? Anong gagawin po natin?"]

Kumunot ang noo ni Finn na at nag-isip ng malalim.

'Anong plano mo Mr. Samson? Ba't mo to ginagawa?'

"Hintayin mo ako dyan, ihahatid ko lang si Mom sa mansyon."

["Noted Sir."]

Ibinaba nya ang cellphone kasabay ng malalim na buntong hininga. Tila kumikirot ang noo sya sa mga nangyayare.

"Finn? What's wrong?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

Agad syang napalingon sa ina at ngumiti.

"It's fine Mom, don't worry. Pupunta lang po ako sa office after this. May aasikasuhin lang ako."

"Are you sure anak? You look pale and tired.. may problema ba sa company?"

"Nothing Mom." pinaandar nyang muli ang sasakyan at mabagal itong pinatakbo.

*****

Lumipas ang isang oras bago makarating si Finn sa FQ Wilson Corp. Nahagip agad ng mga mata nya si Mr. Santos na naghihintay sa entrance ng building. Tila di ito mapakali at patingin-tingin sa paligid.

"Mr. Santos!" tawag nya dito.

Napalingon ito sakanya at dali-daling lumapit sa kinaroroonan nya.

"Mr. Wilson! Buti naman dumating na kayo." sabi nito na hinihingal.

"Anong nangyare sayo? Ba't di ka mapakali?" tanong nya rito.

"N-nasa loob po sila."

"Sinong sila?" nagtataka nyang tanong.

"R-Riley Corporation."

"What? At ano naman ang ginagawa ng Riley dito?" kunot-noo nyang tanong.

"G-gusto daw po kayong makausap."

"Fuck!"

Dali-dali syang pumasok ng building ngunit bago pa man sya makarating sa receptionists ay may lumapit sakanyang grupo ng mga kalalakihan.

"You are Mr. Finn right? Son of Mr. Robert Wilson?"

Nilingon nya ang binatang nakangiti at nakasuot ng puting suit. Naniningkit ang mga mata nyang tinitigan ito.

"And who the hell are you?!" pasinghal nyang tanong rito.

Lalapit na sana sakanya ang kasama nito nang pigilan ito ng binata.

"Oh sorry my bad, this is our first meeting right?.. then let me introduce myself first. I'm Zayne Riley, heir of Riley Corporation." sagot nito sabay ngiti.

"Tsk! that's unusual for you to come here Mr. Riley.. then what brings you here?"

"Well, I want to make a deal with you.. if you don't mind. Can we talk privately?" suhestyon nito.

Tiningnan nya ito ng masama ngunit ngumiti lang ito. Tinalikuran nya ito at sumakay sa elevator. Tahimik naman syang sinundan nito ng mag-isa na pangiti-ngiti pa.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon