Chapter 10: His Transformation (Part 2)

4.6K 258 19
                                    

"....?"

Nagtataka syang napatingin sa binata. Hindi nya rin makita ang sariling repleksyon dahil nakaharang ito sa tapat ng malaking salamin.

"Um.. M-Moris?" tawag nya sa binata na tila wala sa sarili.

"H-huh? .." sagot nito na napakurap. Umayos ito ng tindig at napaubo.

"Ayos ka lang?" tanong nya.

"Hahaha! Sorry, na overwhelmed lang ako sa nakita kong result."

Nagtataka syang napatingin dito.

"Are you ready?" tanong nito na nakangiti.

Tumango lang sya at maya't maya pa nga ay iniharap sya nito sa salamin.

(*゚ロ゚)

Namilog ang kanyang mga mata at napaawang ang mga labi. Hindi sya agad nakapagsalita sa nasilayang pagbabago.

"Q-Quinn?"

"Pfftt! Hahaha! Hindi yan si Quinn, ikaw yan Finn." sagot nito na hinawakan sya sa magkabilaang balikat.

Napaka ganda ng dalagang nakita nya sa salamin, medyo kulot ang hanggang bewang nitong mga buhok. Napakaamo ng maliit nitong mukha. Naka kurba ang natural nyang mahahabang pilik mata at mapupula ang kanyang mga labi. Naka guhit din ang mga kilay nyang dati ay makakapal.

Tila si Quinn ang nakikita nya sa harapan at hindi ang sarili. Hinawakan nya ang sariling mukha at kinurot ito. Tumawa ng malakas si Morisson na nakahawak sa sariling baba.

"See? Muntik na rin akong maniwala na si Quinn ang kaharap ko ngayun hindi ikaw. Pero impyernes ha, mas maganda ka pa pala sa kambal mo." sabi nito.

"Eh?" napatingin sya sa sariling leeg.

Ngayun nya lang napansin na napaka balingkinitan nya pala kumpara sa ibang binata na may matitipunong katawan. Napabuntong hininga sya at nilingon ang kaibigan.

"Salamat dito, babawi ako sa susunod pag may kailangan ka."

"Haha! That's fine. Isa pa magkaibigan naman tayo... hmm.." tiningnan nito ang mga mannequin sa tabi, ".. how about wearing a dress?" nakangiti nitong baling sakanya.

"H-huh?!" nanlaki ang mga mata nya.

"Hahaha! Hindi naman pwedeng makikipag date ka wearing a suit right? Isa pa, kilalang pasyonista si Quinn kaya dapat tumugma ang profile mo sakanya."

"This... goodness.." inis nyang sagot.

"Pfft.. Wala na tong atrasan diba? Don't worry, pipili tayo ng dress na hindi masyado bulgar at siguradong babagay sayo. Trust me!"

Tumagal sila ng isang oras sa pagpili ng mas simple ngunit elegante kung titigan. Namili din ito ng hindi kataasang heels na babagay sa dress. Matapos ang preparasyon ay pinagbihis na sya ni Morisson ng mga napili nito.

Nakayuko syang lumabas mula sa kurtina at nakakapit sa sariling braso. Dahan dahang iniangat nya ang ulo at tiningnan ang tahimik na kaibigan.

"Eecckkk!" nagulat sya sa ekspresyon nito. Tila kinikilig ang binata na nakahawak sa mga pisngi at nagkikislapan ang mga mata. Abot tenga ang mga ngiti nito at namumula pa ang mukha.

"This is... a MASTERPIECE! Oh my! I really LOVE IT!" sigaw nito.

"Eh?!"

Nakasuot sya ng puting long sleeve pencil dress na hanggang tuhod.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon