Chapter 46: The Racing (Part 2)

2.9K 185 17
                                    

/swishhh~/

Tahimik na naka-krus ang mga hita ni Zac sa upuan at sa harapan ni Engineer Joe. Masuring binabasa niya ang ilang dokumento tungkol sa plano na ipinasa ng binatang inhenyero.

Bahagyang tinatapik nya ang mababasaging mesa gamit ang maninipis at mahahaba nyang daliri na tila ba'y may malalim na iniisip. Walang emosyong nakatuon ang atensyon nya sa mga papel dahilan upang makaramdam ng kaba at pagpawisan ang mga taong nakapalibot sakanya.

Ilang minuto pa ay seryosong iniangat nya ang paningin kay Engineer Joe sabay ibinaba ang hawak na dokumento sa mesa.

/gulp~/

Tila ba bumagsak ang temperatura sa loob ng pribadong silid at halos manigas sa kinauupuan ang enhenyero habang hinihintay ang sagot nya. Napalunok ito sabay napatingin sakanya ng puno ng ekspektasyon.

Ilang minuto pa nga ay napasandal si Zac sa upuan at bahagyang napapikit.

"Mn.. not bad."

Nakahinga ng maluwag ang enhenyero sabay nakangiting pinunasan ang namuo nitong malamig na pawis sa noo.

"That..—.."

"But..." putol nya rito dahilan upang muling kabahan ang binata.

"I want the complete version for this one by tomorrow afternoon." anya niya na itinaas ang isang puting folder.

"Y-Yes Sir... no problem Sir." sagot ng inhenyero at mabilis na napatango.

Agad itong napatindig sa kinauupuan nang mapansin ang kanyang pagtayo. Iniabot din nito ang kamay sa kanyang harapan upang makipag-kamay bilang simbolo ng kanilang pakikipag-tulungan.

Ngunit sa kasamaang palad... umiral na naman ang pagiging 'germaphobe' ni Zac sa harap ng lahat.

Napatingin lamang sya sa kamay nito bago tumayo at dire-diretsong tumungo sa pintuan kasunod ang personal assistant at guard.

"T-Thank you Mr. Samson!" pahabol ng nakangiting binata na agad ibinaba ang kamay. Hindi nito alintana ang inasal nya sapagkat mas nangibabaw ang tuwa nito dulot ng matagumpay na pakikipagtulungan sakanya.

**

Sa pasilyo palabas ng gusali kung saan tanging yabag lamang ang maririnig, ay tahimik na lumapit si Mr. Sy habang binabasa ang schedule nya sa gabing iyon. Nabangit din nito ang ilang importanteng impormasyon ukol sa mga ipinag-uutos nya.

Napatigil si Zac sa paglalakad.

Tila muling bumagsak ang temperatura sa paligid nila dahilan upang magkatinginan ang mga gwardyang kasunod nila at kilabutan.

"Who?" nakakunot-noong tanong ni Zac sa assistant.

Magalang na muling inulit ni Mr. Sy ang mga sinabi nito habang maingat na ino-obserbahan ang kanyang magiging reaksyon.

Sarkastiko syang tumawa nang makalipas ang ilang segundo matapos marinig ang pangalang binangit nito. Muling napalunok ang guwardyang nakatayo sa tabi ng assistant ng marinig ang mala-demonyong tawa niya.

Seryosong napatingin sakanya si Mr. Sy. May halong pagdududa rin sa bawat tingin nito na para bang may kakaibang iniisip.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon