Chapter 38: The Best of Friends

4K 236 4
                                    

"Sir Wilson!"

Bakas sa tono ng pananalita ni Mr. Santos ang pag-aalala matapos na makita si Finn palabas ng gusali. Agad itong lumapit sakanya sabay gulat na napatingin sa kasama nya.

"Well... hanggang dito nalang kita maihahatid Mr. Wilson." anya sakanya ni Mr. Sy na walang emosyon.

"Yes, thank you." tugon nya rito.

Seryosong sinulyapan nito ang kanyang assistant na ikinagulat naman ni Mr. Santos bago sila tuluyang talikuran nito. Nag-martsa ito pabalik sa gusali at hindi na sila muling nilingon pa.

"S-Sir Wilson? Ayos lang po ba kayo? K-Kanina sa event—..."

"Let's go." singit nya rito sabay pumasok sa loob ng nakaparadang itim na sasakyan.

Nagtatakang tiningnan sya nito bago isinantabi ang sariling katanungan. Agad itong pumasok sa sasakyan at tahimik na nagmaneho.

Napatingin naman sa labas ng bintana si Finn na tila malayo ang iniisip. Maya't maya sya kung humugot ng malalim na buntong-hininga na hindi nakaligtas sa pandinig ng kanyang assistant.

Sinilip sya nito sa rear mirror ng kotse at nag-aalangang napalunok.

"S-Sir?"

"Ayos lang ako, wag mo akong intindihin." anya nya rito na nasa labas parin ang atensyon.

"P-Pero Sir, kanina sa event.." muli itong napalunok at nag-aalangan kung ipagpapatuloy pa ba ang gusto nitong sabihin.

Alam nya ang iniisip ni Mr. Santos.

Inaasahan nya nang magiging isang malaking balita ang ginawa nyang iskandalo sa event. Napakagat-labi sya habang iniisip ang pwedeng mangyare sa kanilang kompanya oras na lumabas ang balitang ito sa publiko.

'Ah! Damn it!'

Hindi pa sila nakakaahon sa pinsalang nangyare dulot ng naunang problema at ngayun ay panibagong dagok na naman ang kanilang kahaharapin.

Napahilamos na lamang sya sabay napapikit habang inaalala ang iniwang salita sakanya Zac.

•••••

"Batid mo naman siguro ang maaaring maging resulta ng ginawa mong gulo sa event." anya ni Zac na walang emosyon syang tinitigan.

Napayuko si Finn sabay napabuntong-hininga.

Hindi nya magawang iangat ang paningin at tingnan sa mga mata ang kausap nyang binata. Pakiramdam nya ay nakatutok sakanya ang milyon-milyong malalamig at matatalim nitong titig sa kabila ng kalmado nitong pananalita.

Ilang sandali pa ay tinalikuran sya ng binata sabay muling nagsalita.

"Iwasan mo munang maglabas ng anumang pahayag lalo na sa medya at mag-focus ka muna sa ongoing at upcoming project for next month. Hindi kita matutulungan sa issue na'to kaya sana matuto ka na. Don't disappoint us Mr. Wilson...naka-taya ang pangalan ng kompanya nyo sa bawat desisyon at aksyong ginagawa mo kaya wag mong hayaang kontrolin ka ng sarili mong emosyon dahil sa galit na nararamdaman mo."

Napatigil si Zac sa kinatatayuan, hindi sya nito nilingon ngunit muli itong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kagaya nga ng sabi ko, naghihintay lang sila na magkamali ka upang pabagsakin ka at hindi na muling makabangon pa... Kung gusto mo talagang makabawi, magpalakas ka... once you reach the highest level of the 'food chain', I'll guarantee that no one can be able to stop you. So Mr. Wilson... I hope you never make the same mistake again."

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon