Namumula ang mukhang lumabas ng banyo si Finn matapos magbihis. Asar nyang minura si Zac sa kanyang isipan at ang dahilan?
Flashback....
Pagkatapos na umalis ni Zac ay kaliwa't kanan nyang sinuri ang buong katawan. Panu ba naman wala sya ni isang saplot sa ilalim ng kumot at sabi ng lalaking yun ay sya mismo ang naghubad ng kanyang sariling suot matapos nyang malasing.
Nagtataka sya kasi hindi naman sya basta-bastang nalalasing. Ahem... Aminado syang may possibilidad nga mga....2%.. dahil wala syang matandaan matapos na mag-inom sa bar.
Nagkamot ng ulo si Finn. Iritableng nyang hinablot ang paper bag patungong banyo upang magbihis pero wala pang ilang minuto ng bigla syang napamura sa loob ng banyo.
Pano ba naman nakalakip sa karton ng underwear ang kapiraso ng papel at kung ano ang naka sulat rito?
••••
Hindi ko alam kung anong brand ang gusto mo. Ang alam ko lang ganito lang ang size ng sayo. I think it's tailor-made for you and suits you well.
No need to pay me ^_^
••••
'ganito lang ang size ng sayo'.....
'lang ang size ng sayo'.....
'size ng sayo'....
'Holy shit?'
Napatingin sa ibabang bahagi ng katawan si Finn at muling napamura.
'Iniinsulto nya ba ang little Finn ko?'
Hindi nya ba alam na ganito ang normal size ng mga lalaking katulad nya? Isa pa ang dami nang nabaliw na babae sakanya habang nakikipaglaro sa kama....
Galit na inihagis nya ang karton sa basurahan bago ipinagpatuloy ang pagbihis.
*****
"Sir?"
Nagtatakang tinawag ni Assistant Sy si Zac na nakangiting nakatingin sa labas ng bintana. Agad na naglaho ang ngiti sa labi ng binata matapos marinig ang pagtawag nito.
"..? something?
'Wala naman Sir, napansin ko lang na kakaiba ang ekspresyon nyo....yung tipong maraming lumulutang na bubbles at kupido..'
Tumikhim na lamang ang Assistant bago pinasa sakanya ang puting folder na dala nito.
"Nandito na po pala yung report from Mr. Gonzales at pinapasabi nya rin po na next Friday na darating ang materials from Europe."
"Oh and by the way Sir, nagpadala nga po pala ng mensahe si Sir. Charles. Pinapasabi po nya na.....gusto ka nyang makita mamayang dinner sa Villa." mahinang dugtong nito sabay inobserbahan ang reaksyon nya.
Napataas-kilay si Zac. Matapos ang ilang minuto ay tumango sya sabay binuksan ang folder sa mesa.
Ilang sandali pa ay napatigil syang muli at tila nagdadalawang isip na iniangat ang paningin sa kanyang assistant.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...