Chapter 4: Tears from Heartache (Part 2)

5.2K 283 6
                                    

{"On behalf of Samson Airlines, the flight crew would like to welcome you Sir to International Airport. We will be arriving at the gate momentarily. Please remain in your seats with your seat belt securely fastened until the aircraft has come to a complete stop at the terminal gate."}

Nagsalita ang piloto mula sa sinasakayang private plane na pag-aari nya. Napatingin sya sa mamahaling relo at inayos ang suit na suot.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang eroplano at binati sya ng mga flight attendant. Tinanguan nya lang ito at malalaki ang hakbang na bumaba.

Agad syang sinalubong ng assistant nya na nakangiti ngunit pinagpapawisan.

"H-How's your flight Mr. Samson?"

"Hm, nothing special." seryosong sagot nya papalabas ng airport.

"G-ganun po ba?" tugon nito na humahabol sakanya.

Tumunog ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

"Hello Auntie?"

["Hello Zac, did you arrived already?"]

"Hm."

["Then that's great. Dederetso ka ba sa Villa? Magpapaluto kami ng dinner na gusto."]

"No need, I have something important to do so maybe next time." malamig nyang sagot.

["O-ok, then how's your business trip from France?"]

"So far, successful at stable pa naman. How about grandma? How is she doing?" tanong nya na pumasok sa sasakyan.

[" She's fine, I already told her na pabalik ka na kaya I'm sure na matutuwa yun."]

"I see."

["Welcome back Zac."]

Pinatay nya ang cellphone at kinuha ang naka folder na mga papeles.

"Saan po tayo Sir?" tanong ng driver nya.

"Lagerfield Hotel." sagot nya na nasa papel pa rin ang atensyon.

"D-di po ba tayo dederetso ng Villa?" pinag papawisan itong tumingin sa rear-view mirror.

Lumingon sakanya si Zac na naniningkit ang mga mata. Agad na kinilabutan ito at garalgal na nagsalita.

"S-sabi ko nga po s-sa hotel." pinaandar nito ang sasakyan at nagmaneho papunta sa distinasyon.

*****

9:00 am

Nagising si Finn sa tunog ng cellphone. Iniangat nya ang braso at inabot ito.

["Hello Finn?! Oh my! Thank God! I'm really worried about you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko last night at hindi ka rin umuwi. What happened? Is there something wrong Finn?"]

"No, I'm fine. Uuwi din ako maya maya." sagot nya na inaalimpungatan.

["I see... then take care."] sabi nito na may pag aalala.

Dumapa sya sa kama at nag-unat ng braso. Ilang minuto pa ang isang malakas at mabilis na katok ang narinig nya mula sa pinto. Kumunot ang noo nya at tinatamad na tumayo.

Pinagbuksan nya ito at nagtatakang tiningnan ang naka pameywang na babae.

"Napaka walang puso mo namang ama! Hinahayaan mo dito ang bata na magpa laboy-laboy at maupo sa labas ng pintuan mo. Panu kapag may nangyareng masama sa anak mo?! Puro kayo sarap pati mga bata pinapabayaan nyo!" galit na galit itong dinuduro sya.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon