Chapter 35: We Meet Again (Part 2)

3.9K 236 8
                                    

Tila napako si Finn sa kinatatayuan habang nakatingin sa binata na hindi kalayuan sa kinaroonan nya.

Halos nakalimutan nya na ang dahilan ng pagpunta nya roon at ang tungkol kay Mr. Rupert na nawala narin sa dati nitong puwesto.

'Anong ginagawa nya rito?'

Hindi nya inaasahang makikita nya ito dahil ang balita nya ay kilala ang binata sa pagiging 'low-key' sa lahat ng bagay sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa larangan ng Business Industry.

Hindi rin ito lumalabas sa telebisyon, social media o kung ano man na may koneksyon sa pampublikong balita kompara sa sa ama nitong kilala at laging laman ng mga dyaryo. Mas pinili nitong maging tahimik at pribado ang lahat ng tungkol sa sarili mula sa mga media.


Ngayun gabi isang malaking pagbabago ang hindi inaasahan ng lahat ng taong dumalo at nasa paligid nya ngayun...

Hindi si Mr. Charles Samson ang dumating kundi ang most outstanding businessman at nag-iisang successor ng Samson... si Zac Ulyssis Samson. Halos pagkaguluhan ito ng mga cameraman at mga reporters na nag-aabang sa labas ng gusali mula pa ng makalabas ito sa sasakyan.

Pilit din na nakikipag-siksikan ang iilan upang makalapit at batiin ang binata ngunit sa kasamaang palad ay tila walang nagtatagumpay dahil sa dami ng guwardyang nakapalibot dito.

Pakiramdam nya ay ibang-iba ang awra ng binata ngayun kumpara noong huli nya itong makita. Tila isa itong bituin na walang maaaring makahawak o makalapit man lang dahil sa taas at lawak ng kinaroroonan nito.

Hindi nya rin maalis ang paningin na puno ng pagtataka mula rito, ilang sandali pa nga ay napansin nyang palapit ito sa kinaroroonan nya. Tila huminto ng ilang segundo ang pagtibok ng kanyang puso na hindi nya lubos maintindihan.

Napalunok sya at tiningnan ang mukha nito ng maramdaman ilang hakbang nalang ang distansya ng binata sa kinatatayuan nya. Unti-unti nyang ibinuka ang kanyang bibig at mahinanag nagsalita.

"Mr. Samso—-..."

/swish/

Natulala si Finn na hindi na naipagpatuloy pa ang kanyang mga sasabihin.

"H-Huh?"

'T-That bastard... did he just... ignore me?'

Magkasalubong ang mga kilay nyang nilingon ang binata at nakitang dire-diretso lang ang lakad nito papasok ng conference room. Hindi man lang sya nito sinulyapan at tila ba isang hangin lang sya nito kung itinuring.

'Tsk! That arrogant asshole!'

Mabilis nyang iniwas ang paningin mula rito sabay nilapitan ang kanyang assistant.

"Let's go, we're just wasting our time here. Marami pa tayong dapat na asikasuhin."

Tumango lang si Mr. Santos bilang tugon sakanya at tahimik na sinundan sya.

'Whatever! I'll do what I want... just gonna ignore that bastard.'

Tinalikuran nya na ito sabay nagmartsa papasok sa isa pang silid. Hindi napansin ni Finn ang pagsulyap sakanya ng misteryosong mga mata na puno ng katanungan.

Mabilis nitong inilayo ang paningin sa likuran nya sabay mahinang isininara ang malaking pintuan.

*****

(After almost 2  Hours...)

Matapos ang higit isang oras na mahabang pag-uusap ay isa-isa ng nagsilabasan mula sa conference room ang lahat ng mga naglalakihang pangalan sa larangan ng pagnenegosyo.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon