Chapter 5: Deteriorating Conflict (Part 1)

4.8K 271 8
                                    

"Finn?"

Kumatok sa pinto ng kanyang kwarto ang kakambal na si Quinn. Hindi nya ito sinagot at mas binilisan pa pagbabalot ng mga damit. Bumukas ang pinto at tahimik na pumasok ang dalaga.

"F-Finn? Kailangan mo ba talagang umalis? Galit lang si Dad kaya nasabi nya yun."

"He's right. Isa pa para sakanya wala naman akong kwenta diba. Ano pang dahilan para manatili ako dito." sagot nya na isinara ang maleta.

"P-pero.."

Bigla nyang tinapik ang balikat nito at ngumiti.

"Don't worry, I'll be fine." yinakap nya ng mahigpit ang dalaga, "... always take care of yourself."

"F-Finn." sambit nito na tuluyan na ngang naiyak. Hinarap nya ito at pinunasan ang mga luha.

"Look at yourself. Until now you're still a crybaby? Pano ako mapapanatag nyan?" biro nya dito at ngumiti ng mapakla.

"B-babalik ka pa ba? Eh kung sumama nalang kaya ako sayo?"

"How can that be? Hindi ko hahayaang maghirap ang kapatid ko dahil sa ginawa ko. Dito ka lang. Bantayan mo sila at alagaan. Wag mo silang bibigyan ng sakit ng ulo." ginulo nya ang buhok nito at tumayo.

"Finn... we'll wait for you." malungkot nitong tugon.

Nginitian nya lang ito at lumabas ng kwarto.

*****

(1 month later)

Nasa bar si Finn kasama ang ilan nyang mga kaibigan. Nagyaya ang mga ito ng inuman matapos ang matagumpay na pagbubukas ng bagong negosyo ni Finn kung saan kasosyo nya ang ilang mga kaibigan. Nagtayo sila ng restaurant malapit sa hotel na pag-aari ni Aldrich.

Maayos na rin ang hindi nila pagkakaintidihan ng binata mula sa nakaraang pangyayari, at dahil yun sa tulong ng iba pa nilang kaibigan. Anya nga ng mga ito sa isang kanta, "for good time and bad times I'll be by your side forever more, oohh.. that's what friends are for." yun lang naman ang mga sinabi ng mga gago nyang kaibigan habang seryoso silang nag aayos ni Aldrich.

Ganunmpaman, nagpapasalamat parin sya dahil kahit na ganu pa sya kagago ay di parin nagsasawa ang mga ito na intindihin sya. Kulang nalang pagsilbihan nya ang mga ito bilang pasasalamat nya pero di naman siguro ganun ka walang konsensya ang mga ito.

"Cheers!" sigaw ni Marlon na iniangat ang baso ng beer.

Tumagal ang kasiyahan nila ng tatlong oras at nasa kalagitnaan pa ng selebrasyon ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inabot nya ito at humanap ng medyo tahimik na lugar.

"Hello?"

["F-Finn..?"] humihikbi ito mula sa kabilang linya.

"Quinn? Anong nangyare? Ba't ka umiiyak? May problema ba?" tanong nya na may pag-aalala.

["A-are you busy? C-can we talk? /sob!/.."]

"No no, I'm not. Where are you?"

[" N-nandito ako sa tapat ng condo mo"]

"What? Ba't di mo sakin sinabi agad... Stay there, I'll be there soon."

Nagmamadaling bumalik si Finn sa loob. Kinakabahan sya dahil hindi normal sa kambal nya ang ganung pananalita na tila may mabigat na dinadala.

Nagtataka rin sya dahil wala sa ugali nito ang umalis ng bahay kapag malalim na ang gabi. Isa pa napaka delikado para sa isang dalaga na gumala gala pa sa labas.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon