"M-Mr. Samson—...!"
Muntik ng mawalan ng balanse si Finn ng bigla syang hilahin ni Zac.
Malalaki ang hakbang nito na hinila sya palabas ng silid na iyon at halos kaladkarin sya habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang braso. Hindi rin nito alintana ang mga matang nakatingin sakanila at ang mahihinang bulungan sa paligid.
Pakiramdam nya, anumang oras ay mapipigtas na at hihiwalay ang kanyang kamay sa braso kaya naman pilit nya itong hinila mula sa binata.
"L-Let me go."
Hindi sya nito pinansin at mas binilisan pa ang hakbang sabay nagpasikot-sikot sa pasilyo na nasa ika-dalawampung palapag ng gusaling iyon. Hindi nya alam kung ano ang binabalak nito at kung saan sya nito gustong dalhin kaya naman pilit syang kumakawala rito.
Hindi nya rin alam kung ano ang iniisip ng binata sa mga oras na iyon ngunit batid nya ang galit base sa ekspresyon ng mukha nito at kung paano sya titigan.
Ilang sandali pa ay muli nyang naalala ang mukha ng matandang yun. Nangalit ang kanyang ngipin sa sobrang panghihinayang na hindi manlang nya ito naturuan ng leksyon. Masyadong nangangati na ang kanyang mga kamao at wala syang mapagbuhusan ng kanyang galit.
Napatingin sya sa likod ng binatang naging dahilan ng naudlot nyang plano.
'Damn it! Kung hindi lang sana sya nakealam!'
Hindi nya pinagsi-sisihan ang kanyang ginawa at hindi rin sya natatakot kahit na makapatay pa sya. Kulang pa ang parusang yun sa ginawa ng mga taong yun. Kung hindi dahil sa pangtatraydor ng mga ito, hindi sana magigipit ang kanilang kompanya at hindi sana.....manganganib ang buhay ng kanyang ama!
Napakagat labi sya sabay buong lakas na muling kumawala rito ngunit huli na ng bigla nitong buksan ang pintuan na nasa dulo ng pasilyo sabay hinila sya papasok rito.
"You fucking bastard!! Let me go!!"
"Get out."
'Huh?'
Sa loob ng silid ay makikita ang isang napakalaking espasyo. Hindi nya matukoy kung isang opisina ba ito o kwarto dahil sa napaka-eleganteng mga kagamitan sa loob.
Naroon din at nakatayo sa isang tabi si Mr. Sy na personal assistant ni Zac. Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nito ng makita siya.
"Sir? This—-..."
"I said get out!" mariin nitong utos sa assistant.
"Y-Yes Sir."
Yumuko ito sa harapan ng binata bilang pag-galang, tila may pagbabanta din sya nitong sinulyapan bago ito tuluyang lumabas ng silid. Agad syang napalunok ngunit bago pa man nya iangat ang kanyang paningin kay Zac ay malakas sya nitong hinila sabay itinulak sa mahabang sofa.
Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito, agad syang bumagsak sa malambot na sofa sabay napaupo rito. Agad nya ito tinapunan ng matatalim na titig ngunit tila wala itong pakealam.
"Fuck! How dare you—!!"
"Shut up!!"
Nagulat sya sa lakas ng tono ng pagkakasabi nito dahilan upang mapalunok sya at bahagyang mapasandal sa kinauupuan.
Alam nyang kilala si Zac sa pagiging tahimik at sa malamig nitong pakikitungo sa lahat pero ito ang unang beses na nasaksihan nya kung paano ito magalit. Hindi sya natatakot rito ngunit tila ba may 'puwersang' nagsasabi sakanya na huwag ng dagdagan ng langis ang nagliliyab na apoy.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...