Chapter 23: Promise of Infinity (Part 1)

4.1K 247 16
                                    

Nagising si Zac sa kalagitnaan ng gabi, napanaginipan na naman nya ang batang iyon ngunit kahit anong pilit nya ay hindi nya na matandaan pa ang itsura at pangalan nito. Limang taon palang sya noon ng makilala ito kaya malabong maalala nya pa ito.

Napaupo sya sa kama at napahilamos, napatingin sya sa drawer na nasa tabi ng kanyang kama. Binuksan nya ito sabay kuha sa maliit na kahong pinaghalong kulay asul at itim. Binuksan nya ito at kinuha ang batong nakabalot sa tela.

Tinitigan nya ito sabay pisil dito.

'Makikita pa ba kita? Sino ka ba talaga? Bakit lagi kang laman ng mga panaginip ko.'

Napapikit na lang sya at maingat na ibinalik ito sa kahon. Napatingin sya sa ibabaw ng mesa na katabi ng kama nya. Nakapatong dito ang wedding invitation na ipinadala sakanya. Dinampot nya ito at muling binasa ang nilalaman.

'El Villaforte de Izle? It sounds familiar...'

Napakunot-noo sya habang inaalala kung saan nya ba narinig ang pamilyar na lugar na ito. Napahawak sya sa baba sabay abot ng kanyang cellphone. Tinawagan nya ang personal assistant na hindi nya sigurado kung gising pa sa mga oras na iyon.

["Hello Sir?"]

"Check my schedule for tomorrow and the next 3 days."

Agad naman nitong binanggit ang mga appointment, meeting na pupuntahan nya at kung anu-ano pa man.

["That's all Sir."]

"Hmm.. I see... then cancel all of them and prepare a wedding gift for Mr. Villaforte."

["Sir?"]

"And also.. Prepare the private jet tomorrow morning."

Natahimik ito ng ilang segundo bago muling nagsalita.

["O-Ok Sir, I'll call Captain Mendez and Captain Vallaz."]

Ibinaba nya ang cellphone at muling tiningnan ang wedding invitation.

*****

Palawan

"Woah?! Ang laki na ng pinagbago ng lugar na to. Ilang taon na ba? 15 years? 20?" anya ni Finn na nakasakay sa sasakyan ni Axel. Napatingin sya sa bintana ng sasakyan kung saan tanaw ang mga nag-gagandahang tanawin.

"Yeah, sobrang tagal na ng huli kang bumisita dito. Di na nga kita nakilala, lakas maka artista ng dating mo sa airport palang hahahaha." panunukso nito.

"Hahaha, syempre ako pa ba?"

"Pfftt.. di ka pa rin talaga nagbabago. By the way, how's your twin sister? Ang tagal na rin ng huli kaming magkita ni Quinn, parang pinagbiyak na bunga kayo nung mga bata pa tayo." nakangiting tanong nito.

"Ayos naman sya, actually nasa Europe na ulit sya ngayun. Nakapag launch na sya ng bagong business dun."

"That's great, talagang nasa dugo nyo ang pag bi-business."

"Hahaha, not really. Wala naman akong balak na hawakan ang kompanya. Alam mo naman, gusto ko lang ng normal na buhay."

Tumigil sila sa isang pier kung saan nakaabang ang isang pribadong yate at ilang mga kalalakihan. Nakangiting binati sya ng mga ito sabay buhat sa mga dala nya at isinakay ito.

Napatingin din sakanya ang mga babaeng nakasakay sa yate na nag-gagandahan. Bahagyang ibinaba nya ang suot na sunglasses sabay napasipol ng mapansin ang mga kasuotan nito. Naghagikhikan ang mga ito ng nilingon nya ito.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon