Chapter 2: Extraordinary Taste?

6.5K 301 16
                                    

Nagising si Finn ng biglang may mabigat na dumagan sa likod nya.

"Oofff!" sigaw nya.

"FIINNNN!!! Gising na!" tawag ni Quinn na nakapatong sa likod nya at hinihila ang kanyang magkabilaang tenga.

"Hmmm... too early.." sabi ni Finn na inalis ang kamay ng kapatid.

"Aiya!! Pinagluto ko kayo ng agahan eh!"

Agad syang napabalikwas ng bangon dahilan para malaglag si Quinn. Napalunok sya at napatingin sa kapatid.

"M-may pupuntahan pala ako.. ha-ha.." sabi ni Finn na tumakbo ng banyo para maligo.

Nagtataka namang napatingin si Quinn sa kapatid. Lumapit ito sa banyo at kumatok.

"Don't forget to eat downstairs after shower!" sabi ng dalaga na patakbong lumabas ng kwarto.

Kinikilabutan si Finn tuwing naaalala nya ang katakot takot na lasa ng luto ng kakambal. Hindi nya maiwasang umaktong nasusuka sa larawang nabuo sakanyang isipan. Napa iling sya at dali daling tinapos ang paliligo.

***

Dahan dahang sumilip si Finn sa may hagdanan. Tila isa syang espiya na dahan dahang nagtago sa mga pader upang makalabas ng bahay. Nasa may pintuan na sya papuntang garahe ng bigla syang tawagin ng kapatid.

"Finn? Where are you going?"

'Damn! I'm doomed!'

Nagkakamot syang biglang lumiko pabalik at nginitian ang dalaga.

"Ah.. ha-ha.. m-may kinuha lang ako sa sasakyan. Ha-ha, actually papunta na akong dining room."

"Hmm, ok.. let's go?!" sabi ni Quinn na nakangiting kumapit sa braso nya. Nagmamadali itong hinila sya papuntang hapag-kainan.

Tahimik na napatingin si Finn sa mga nakahandang lutuin sa mesa. Normal naman ang mga kulay nito kumpara sa nauna nyang kinain. Merong soup, scrambled egg, sausages, at kung anu-ano pa.

Masayang nag-uusap ang magulang nya at si Quinn ngunit napansin nyang hindi pa nagagalaw ang isang soup na nakalagay sa pinaka gitna. Halos mangitim na ang sabaw nito dahilan para kumunot ang noo nya.

Kumakain ang dalawang matanda na iniiwasan ang bagay na yun. Pinigil nya ang pagtawa at tinawag ang kakambal.

"Quinn, anong soup to?"

"Eh? That's my new recipe! Chicken curry soup with sweet potatoes and eggplant!" sagot ni Quinn na bilib na bilib pa sa sarili.

"Ah, pwede mo ba akong ipagbalot nyan? Gusto ko lang na ipatikim sa mga kaibigan ko kung ganu kagaling magluto ang kapatid ko." sabi ni Finn na ngumiti at tila humaba ang sungay.

"Sure! Sure! No problem brother. I'm sure magugustuhan nila ang luto ko!" tuwang tuwa itong pumunta sa kusina.

"Damihan mo ha. Punuin mo ang food container!" pahabol nyang sigaw.

Napailing sakanya ang mag-asawa na tila nagtitimpi. Hindi nya pinansin ang mga ito at nakangising kumain.

*****

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon