Chapter 32: War of Idiots_Round 2 (Part 2)

3.7K 251 15
                                    

'What's that smell?'

Tinangal ni Zac ang suot na earphone saka tumayo sa kinauupuan.

Malalaki ang hakbang nyang lumabas ng kanyang kwarto sabay sumilip sa hagdan mula sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

'That rascal... what is he doing now?'

Wala ito sa sala kaya naisip nyang nasa kusina parin ito.

Dahan-dahan syang bumaba ng hagdan habang sinusundan ang pinangangalingan ng amoy. Mas lumalakas ito habang palapit ng palapit sya sa kusina, naririnig nya rin ang mahihinang kalabog na nangangaling rito kaya nahulaan nya agad kung ano ang nangyayare sa loob.

Maya't maya pa ay nasalubong nya agad ang masarap na amoy pagkarating rito.

" Hmm~ hmm~ mmm ~ 🎶 ..."

Naabutan nyang kumakanta si Finn na tila tuwang-tuwa at nag-eenjoy sa ginagawa habang mabilis na pinapagalaw ang mga kamay hawak ang kawali at sandok.

Tumaas ang kilay nya sabay tahimik na napasandal sa posteng kalapit nya. Naka-krus ang mga braso nyang pinanood ang mga galaw nito habang nagluluto sa kusina.

'Hmm.. Not bad..'

Ilang sandali pa ay napatingin sya sa nilutong nakalagay sa ibabaw ng mesa.

'Is that... a French cuisine?.. no.. no... I bet it's not.'

Napatingin sya kay Finn na nasa niluluto pa rin ang atensyon at tila hindi namamalayan ang presensya nya.

Muli nyang inilipat ang paningin sa nasa mesa, tahimik syang lumapit dito ng hindi namamalayan ng binata. Inabot nya ang tinidor na nakapatong sa isang pinggan sabay walang pasabing itinusok ito sa karne.

'So soft and... tender..'

Ipinasok nya ito sa bibig at dahan-dahang nginuya.

Ilang sandali pa ay namilog ang kanyang mga mata matapos na matikman ito.

"Coq au vin?!" anya nya ng makilala ang kakaibang lasa nito.

Agad namang napalingon sakanya si Finn na halatang nagulat.

"M-Mr. Samson, anong ginagawa mo dito?" tanong nito na pinatay ang induction cooktop.

"What? You're asking me what I'm doing in my own house?" sarkastikong tanong nya.

Napairap nalang ito sabay inalis ang suot na apron.

Napansin nya ang iba pang niluto ng binata na tila masasarap sa kulay palang ng mga ito.

"You made all of these?" tanong nya sabay naupo.

"Who else could it be? Geez! Kung alam ko lang na gutom ang aabutin ko rito sa bahay mo hindi ko maiisipang gawin to." anya nito na inagaw ang hawak nyang tinidor.

"Tsk! Bakit sino ba ang nagsabi na sundan mo ako rito?" tugon nya rito dahilan para tapunan sya ng matatalim na titig na binata.

"Then sign this and I'll make sure to leave obediently and peacefully in your house." sabi nito na nakangiting hawak na naman ang folder.

'Damn this rascal!'

"No."

"This asshole is so stingy..." bulong nito sa sarili na nakasimangot na itinusok ang tinidor sa karne.

Napailing nalang sya sabay napatingin sa mga pagkain.

"You... how did you learn to cook a French cuisine?"

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon