"Zac! Zac!"
'Fuck! Ang bigat nya!'
Hinihingal syang pilit na itinulak si Zac mula sa pagkakadagan nito sakanya. Halos hindi na sya makahinga sa sobrang bigat ng binata.
Ilang sandali pa nga ay napagtagumpayan nya na itong maihiga ng maayos sa kama. Nakahinga sya ng maluwag habang pinagpapawisan na napaupo.
'Wew!! Kung minamalas nga naman.'
Napatingin sya sa mukha ng binata na tila ba nahihirapan sa paghinga. Tatayo na sana sya mula sa pagkakaupo ng biglang hilahin nito ang braso nya. Nilingon nya ito ng maramdaman nya ang panginginig ng kamay nito.
"Mom...d-don't...leave me... p-please..."
Napaawang ang bibig nya sa mga sinabi nito. Tila naghihirap ito base sa ekspresyon ng mukha nito.
Inalis nya ang pagkakahawak nito ngunit pahigpit ng pahigpit lang ang pagkaka-kapit nito sakanya.
'What the?!! Let me go dumbass!'
"Geez!! You're annoying huh! Guess I don't have a choice."
Isang sandali pa ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Finn. Tumama ito sa mukha ng binatang walang kaalam-alam sa mga nangyayare. Unti-unting dumulas ang kamay nito sa braso nya na tila ba nawalan ng malay.
'Wew! That's a nice shot!'
Napabuntong-hininga nalang sya at tahimik na lumabas ng silid.
*****
8:00 am
Nagising si Zac mula sa liwanag na tumatagos sa bintana sa kanyang kwarto. Unti-unting binuksan nya ang kanyang mga mata sabay ikot nito sa paligid.
"Zac?"
Isang pamilyar na boses at mapag-mahal na mga palad ang dumampi sa kanyang noo. Nilingon nya ang matandang nakangiti at nakaupo sa tabi ng kanyang kama.
"Thank God you're awake. How are you feeling right now?"
Dahan-dahang naupo sya sa kama at sumandal sa headboard. Napahawak sya sa kanyang ulo ng makaramdam ng bahagyang pagkahilo.
"Are you ok? Gusto mo bang magpatawag kami ng doctor?" nag-aalalang tanong nito.
"I'm fine, no need to bother."
"I see, I'm glad to hear that... Hindi ko inaasahang magaling mag-alaga si Ms. Wilson. Well then, ipapahanda ko muna ang almusal mo." anya ng matanda na aktong tatayo mula sa pagkakaupo.
"W-Wait... What did you say? Si Ms. Wilson.." nagtataka syang napatingin sa matanda na nakangiti sakanya.
"Yes, si Ms. Wilson ang nag-bantay at nag-alaga sayo buong magdamag. Well... umalis din sya agad pagputok ng araw dahil may mga aasikasuhin daw sila sa kompanya ng brother nya. Thanks to her you're feeling better now."
Tila napipi naman si Zac sa mga sinabi ng matanda. Kumunot ang noo nya at napabuntong-hininga.
"Zac, I think she's a good person... I like her."
Muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito sabay tinalikuran sya at lumabas ng silid.
Napatingin naman sya sa labas ng bintana kung saan nagsasayawan ang mga dahon ng mga puno at mga bulaklak.
'A warm feeling..?'
Napatigil sya sa pag-iisip ng biglang sumakit ang kaliwang pisngi nya. Napahawak sya sa mukha na tila ba namamanhid sa kirot.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...