Nanlaki ang mga mata ni Finn sa sinabi ng binata. Tila napako sya sa kinatatayuan kasabay ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri.
Umatras naman ang binata ng dalawang hakbang at seryosong tinitigan sya. Napatingin ito sa relo at kalmadong nagsalita.
"Well then Mr. Wilson, we're leaving now." sabi nito na tinalikuran sya ngunit ilang sandali pa ay huminto sa kinatatayuan, "I'm looking forward for your great performance within this year, I hope you won't disappoint me... Mr. Finn Wilson." seryoso nitong paalala sakanya bago tuluyang umalis.
Nakatulala pa rin si Finn na hindi makapaniwala sa mga nangyayare, nilapitan sya ni Mr. Santos na nag-aalala sa reaksyon nya.
"Sir Finn?"
Napakurap si Finn at wala sa sariling nilingon ang assistant.
"H-huh?"
"Ayos lang po ba kayo? Nakaalis na po sina Mr. Samson." kalmadong sagot nito.
Napatingin siya sa malaking pintuan na nakasarado, napaupo sya sa sofa at humugot ng malalim na hininga. Tinanggal nya ang suot na face mask sabay napahilamos. Kumunot ang noo nya ng maalala ang mga huling salita ng binata.
'Then I'll show you how capable I am."
*****
Pinagbuksan ng pinto ng sasakyan si Zac ng kanyang assistant. Hinubad nya ang suot na leather gloves at itinapon ito sa maliit na basurahan. Binigyan sya ng tissue ng kanyang assistant sabay abot nito sa cellphone.
"Sir Samson, Mr. Avelard is requesting for your participation in tonight's annual event to be held at Galaxy Resort. It will start at 8 pm, and Samson was expected to be one of the most anticipated VIP guest in this event."
Napatingin si Zac sa labas ng bintana ng kotse sabay himas sa sariling baba.
"Ok."
Tumango ang assistant nya sabay tingin sa rear mirror ng sasakyan.
"Sir, can I ask you something?"
"Speak." tipid na sagot nya.
"I'm just wondering Sir, why is it.. you choose to invest in Wilson Corporation despite of their situation? I mean—.."
"I'm also curious.." sabat nya rito.
"Pardon?" nagtatakang tanong nito.
Hindi nya ito nilingon, napapikit sya at humugot ng malalim na buntong hininga.
"That person... I'm wondering how capable he is in order to surpass my expectations towards him. It's really...kinda interesting.." sabi ni Zac na naniningkit ang mga mata sabay ngisi ng mala demonyo.
Tahimik lang na tinitigan sya ng kanyang assistant na tila alam ang ibig nyang sabihin.
*****
(3 weeks later)
"Cheers!!"
Malapad ang ngiti ni Finn na itinaas ang baso na puno ng beer sa kanyang harapan.
Matagumpay nilang naisalba ang kompanya sa tulong ng mga Samson sa loob lamang ng tatlong linggo. Hindi nya inaasahan na madadagdagan pa ang mga costumer at investors nila lalo pa ng malaman ng mga ito ang pakikipagtulungan sakanila ng Samson Corporation.
Pinagsikapan nya rin na linisin ang mga negatibong balita na kumalat ilang buwan na ang nakakalipas.
"Hahaha congrats bro! Di magtatagal isa ka na sa may nag mamay-ari ng FQ Wilson." panunukso ni Xander sakanya.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...