"Y-You are.. Mr. Velloso?!"
Hindi makapaniwalang pinanlakihan ng mga mata ni Finn ang binatang nasa harapan nya. Ngumiti ito sakanya sabay lumapit sa kinatatayuan nya.
"Yes."
"V-Velloso from Cruxx Corporation?!" muling tanong nya rito.
"Pfftt.. hahaha! Yeah it's me."
'N-No! This can't be!'
Ang Cruxx Corporation ay isa sa pinakamalaki at pinakasikat na kompanya na pag-aari ng mga Velloso. Kilala ang pamilyang ito sa larangan ng politika at isa rin sa mga nagmamay-ari ng ilang naglalakihang paliparan na kilala sa iba't-ibang bansa.
Pumapangalawa ang mga Velloso sa larangan ng pagnenegosyo, ngunit marami ang nagsasabi na isa rin ito sa pinakamalakas na katunggali ng mga Samson na may pinakamalaking pangalan sa iba't ibang bansa. Hindi rin maitatagong ang dalawang pangalan na ito ay laging naipag-kukumpara ng ilan.
Kung ang mga ninuno ng mga Velloso ay kilala sa mundo ng politika, sinasabing mga maharlika naman ang mga Samson na nagmula pa sa bansang France. Ang dalawang ito ay tila ba tubig at langis sa lahat ng aspeto kaya naman walang naglalakas loob na pumagitna o kaya naman galitin ang isa sa mga ito.
Ngunit para kay Finn na walang alam sa aspeto ng mundo at pagne-negosyo, isa itong napakalaking opurtunidad upang maibalik ang dating katayuan ng kanilang kompanya. Mas uunahin nyang maisalba ang sarili kesa lumangoy sa dagat ng apoy na pumapagitna sa dalawang ito.
Ilang sandali pa ay dahan-dahang ikinuyom ni Finn ang kanyang mga kamao habang magkasalubong ang mga kilay. Lumapit sakanya ang binata suot ang mapag-larong mga ngiti at unti-unting ibinuka ang bibig.
"Hindi pa pala ako nakakapag-pakilala sayo... By the way, I'm Arwyn Velloso.. son of Arron Velloso and owner of Cruxx Airlines." anya nito.
Tila ipinako si Finn sa kinatatayuan, hindi nya alam kung maiiyak o matutuwa ba sya sa kanyang nalaman. Nasa harapan nya na ang kanyang hinahanap ngunit tila ba wala syang lakas na magsalita o gumalaw manlang.
Napalunok na lamang sya sabay ibinaba ang paningin.
"Ah, Mr. Wilson? Are you ok?" tanong nito na tinapik ang kanyang balikat.
Muli nyang iniangat ang inosenteng mga mata rito dahilan upang mapangiti ito. Napatingin ito sa relo at inalis ang kamay sa kanyang balikat.
"I'm sorry.. You're busy right? Then I'm leaving first."
Tinalikuran sya nito at humakbang palayo ngunit ilang sandali pa ay bigla itong napahinto sabay napalingon sakanya.
"Oh! And by the way.." anya nito na ngumiti, "it's nice to meet you. See you later... Mr. Finn Wilson."
Makahulugan sya nitong tinitigan bago muling humakbang palayo.
'H-Huh?'
Napakurap sya na tila ba nagising sa katotohanan.
"Sir?" tawag sakanya ng kanyang assistant na kanina pa tahimik na nakikinig sakanila.
"H-Huh?"
"Si Mr. Velloso yun diba? Akala ko po ba gusto nyo syang makausap tungkol sa proposal?"
Nagtataka itong tiningnan sya samantalang sya naman ay tila ba isang tanga na hindi alam ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...