Chapter 8: Risky Idea (Part 2)

4.5K 271 7
                                    

Pabagsak na naupo sa sofa si Finn, tila sinipsip lahat ng lakas nya sa katawan. Maghapon nyang inayos ang mga papeles kaya nakaramdam sya ng sobrang pagod.

Bago umuwi, ay dinaanan nya muna ang magulang sa hospital. Maayos na ang kalagayan ng kanyang ina ngunit mahina pa rin ang katawan nito dahilan para hindi pa ito magising. Samantala, malala parin ang sitwasyon ng kanyang ama na hindi nya alam kung may asa pa ba itong magising mula sa pagkaka comatose.

Kahit walang kasiguraduhan, ay nagsisimula narin silang gumawa ng paraan para maisalba ang kompanya. Hinahabol na sila ng mga shareholders na nagtatanong kung ano na ang mangyayare sa kompanya ngayung wala ang kanyang ama.

Sumasakit lalo ang kanyang ulo sa mala bundok nyang problema. Bahagya nyang minasahe ang kumikirot na noo ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inabot nya ito at nakapikit na sinagot.

"Hello?"

["Finn?"]

Agad syang napabalikwas sa pagkakaupo ng mapagtanto kung sino ang kausap.

"H-hey Quinn, napatawag ka?" pinilit nya na maging kalmado habang nakikipag-usap sa dalaga.

["F-Finn? Anong nangyare kay Dad?"]

Kumunot ang noo ni Finn sa tanong ng dalaga. Paano nalaman nito ang nangyare sa kanilang ama?

"How did you—.."

["Finn, why didn't you tell me about Dad's situation?"]

Napalunok sya at humugot ng malalim na hininga.

"Ayukong mag-alala ka. Isa pa nandito naman ako kaya hindi ko naman sila papabayaan. Alam kong marami ka ring ginagawa lalo pa't naging successful ang launching ng business mo."

["B-but Finn I want to see them. How's Mom? Is she ok? Can I talk to her?"] nag-aalala nitong tanong.

"She's fine, don't worry. Nagpapahinga lang sya kaya wag muna natin istorbohin." pagsisinungaling nya.

["I-I see... t-then how about you? I heard na nagkakagulo ngayun sa company. A-ano ng gagawin mo? Is there something I can help you with, Finn?"]

Napangiti sya at muling naupo sa sofa.

"I'm fine. Gumagawa na kami ng paraan. Wag mo akong isipin dito, ang mahalaga sakin ok ka dyan. Don't worry, I'll do everything to save the company. Maaayos din to."

["A-are you sure Finn?"] nag-aalangang tanong nito.

"Of course, ako pa!"

["T-then that's great. But if you need help, don't hesitate to call me. Uuwi agad ako."]

"Hmm, I will.. Sige na baka may gagawin ka pa. I'll call you next time."

["Ok, take care Finn. Tell Mom to keep stronger, and I love her so much."]

Ilang sandali pa ay pinatay na nito ang tawag. Nakahinga na sya ng malalim.

'I'm sorry Quinn. Don't worry, aayusin ko to.'

*****

Samson Corp. Bulding

/knock! knock!/

"Come in." sabi ni Zac na nakatuon ang atensyon sa binabasang dokumento.

"Sir, nandito po si Madam Elizabeth. Gusto daw po kayo makausap."

"Tell her I'm busy. I'll talk to her next time." suplado nyang sagot na hindi ito nililingon.

"P-pero po, may sasabihin daw syang importante."

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon