Chapter 9: His Transformation (Part 1)

4.8K 256 9
                                    

"Sir?.. May sulat pong dumating para kay Ms. Quinn."

Kumatok ang katulong sa opisina na dating ginagamit ng kanyang ama sa mansyon. Iniangat ni Finn ang paningin at nagtatakang pinapasok ito.

"Sulat para kay Quinn?"

"Opo Sir." iniabot nito ang pulang sobre na may tatak pa ng isang simbolo ng kabayong itim.

"Sige salamat."

Tinitigan nyang muli ang sobreng napaka elegante. Tumataas ang kuryosidad na naramdaman nya bawat segundo. Maya't maya pa nga ay napag desisyunan nya na buksan ito at basahin ang mga nilalaman.

Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata nya at nanginig ang kanyang mga daliri. Nangyare na nga ang kanyang kinakatakutan, ang paniningil ng mga Samson.

Ayon sa sulat ay gusto nitong makipagkita sa dalaga upang makilala ito ng personal at maka palagayan ng loob bago mangyare ang kasal. Pinagpapawisan nyang binitiwan ang sulat at nasapo ang noo.

Napakabilis umaksyon ng mga ito. Gusto na nitong makipagkita agad sa susunod na pangalawang araw. Pero ano ang gagawin nya? Wala ang kanyang kambal at ayaw nya namang ikasal ito sa matandang yun.

Tila nadagdagan na naman ang pasanin nyang problema. Napapikit sya at humugot ng malalim na hininga. Kailangan nyang mag-isip ng paraan para hindi ito matuloy pero paano nga ba? Kompara sa Samsom ay mga uod palang sila na walang kakayahang tapatan ito.

"Damn it!!!!" sigaw nya.

Napahilamos sya at itinukod ang braso sa mesa. Pinipilit nyang mag-isip ng plano para dito. Tumatakbo ang oras kaya hindi nya pwedeng sayangin ang bawat minutong lumilipas.

Ilang sandali pa ay may pumasok na isang ideya sakanyang isipan. Inayos nya ang upo at napahawak sa sariling baba. Biglang namula ang pisngi nya sa naisip dahilan para sampalin nya ng malakas ang sarili.

'A-Ano bang iniisip mo Finn! Nakakahiya ka, siguradong ikakahiya ka ni Quinn pag nalaman nya yun.'

Umiling sya at inalog-alog ang sariling mukha. Kailangan nya pa mag-isip ng panibagong plano. Hindi naman sya pwedeng maghanap ng babaeng magpapanggap bilang si Quinn dahil base sa pagkakaalam nya, napakatalino ng taong yun.

Siguradong magtatanong ito tungkol sa pamilya nya. Kukulangin din sya ng oras at panahon sa pagpapaliwanag ng family history nya at paghahanap ng babaeng kapalit. Tila tinubuan sya ng isang milyong puting buhok sa ulo. Wala na syang maisip na ibang paraan.

"Fuck!! Sana naging babae nalang ako para tapos ang problema!" wala sa sariling naibulalas nya.

Ilang segundo pa ay napatigil sya ng mapagtanto ang sinabi. Dun parin pala sa ideyang yun babagsak ang mga plano nya.

'Tama, kailangan ko lang magpakita ng bad impression sa kanila. Siguradong babawiin nya ang kasal pag di nya nagustuhan ang ugaling ipinakita ko.'

Biglang sumilay ang mala demonyong ngiti sa kanyang mga labi. Napatango-tango pa sya sa na tila isang gagong bilib na bilib sa sarili.

"Tsk! Ang talino mo talaga Finn!" nakangiting puri nya sa sarili.

*****

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon