Hindi mapalagay sa kinahihigaan si Finn. Nag iisa sya sa loob ng malaking cabin na may dalawang magkahiwalay na maluwag na kama at naglalakihang kabinet sa bawat gilid nito. Natapos nya naring ilagay sa isa sa mga kabinet ang mga damit nyang dala na gagamitin para sa apat na araw nyang pananatili rito.
Nagpapahinga sya habang nakapatong ang ulo sa kanyang mga braso at nakatingin sa kisame. Hindi mawala sa kanyang isipan ang kwento ni Axel na naging dahilan para pumasok sa isipan nya ang mga hindi pamilyar na imahe at alaala. Wala syang matandaang ganung senaryo, malabo rin ang detalye nito kaya't hindi sya sigurado.
Napabuntong hininga na lamang sya sabay napabalikwas ng bangon. Napatingin sya sa kanyang relo, masyado pang maaga at mag-aalas singko palang. Napagdesisyunan nyang tumayo at maglakad-lakad muna sa labas.
*****
Nalanghap nya agad ang sariwang hangin pagkalabas pa lamang ng kanyang silid. Iniunat nya ang kanyang mga braso at nakangiting naglakad patungo sa tabing-dagat. Napatingin sya sa banayad na alon nito at araw na natatakpan ng makapal na ulap.
Tila ba kaysarap sa pakiramdam habang naglalakad sya sa buhanginan suot ang tsinelas. Nakasuot din sya ng abot tuhod na short at floral polo na niyayakap ng malakas na hangin.
Ilang sandali pa ay natanaw nya sa di kalayuan ang isang malaking puno. Muling napako dito ang atensyon nya at wala sa sariling naglakad patungo rito.
Lumapit sya rito sabay napatingin sa kulubot nitong katawan. Dahan-dahang iniangat nya ang kanyang kamay at ipinatong rito. Napapikit sya na tila ba pinapakiramdaman ito.
'Wala akong matandaan tungkol sa lugar na to. Hindi ko alam kung anong himala meron ka, pero gusto kong malaman ang ibig sabihin ng pangitaing iyon.'
Lumipas ang ilang minutong paghihintay nya ngunit walang nangyare. Muli syang humugot ng malalim na hininga sabay binitawan ito.
'Nababaliw na siguro ako. Ba't ko ba kinakausap ang punong to. /sigh!/ Isang kwento lang naman ang lahat na walang kabuluhan.'
Muli nyang iniangat ang paningin sa mga sanga nito bago ito tuluyang talikuran.
Ilang sandali pa ay biglang napako sa kinatatayuan si Finn kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang nilalang na bumungad sa kanyang harapan.
*****
(30 minutes ago)
"Zac!"
Nilingon ni Zac ang lalaking nakangiting kumakaway at tumatawag sakanya. Kakababa pa lang nya ng pribadong yate kasama ang ilan sa mga tauhan nya dala ang kanyang mga gamit.
"Mr. Villaforte."
"Haha! Enough with formalities, Axel nalang. Mabuti naman at nakarating ka." anya nito.
"Yeah, by the way congrats."
"Hahaha! Thank you, so.. shall we?"
Sinamahan sya nito papunta sa isang cabin habang nagkikwentuhan. Inikot nya ang kanyang paningin sa loob nito sabay tanong.
"Ilang taon na ang infrastructure nitong lugar sa isla?"
"Almost 80 years na, mga ninuno ko pa ang pumili ng disenyo nito. Naisipan naming wag ng baguhin at panatilihin nalang na ganito bilang atraksyon narin." sagot ni Axel na ngumiti.
"I see."
"We're very thankful to Samson, kasi kung hindi sainyo hindi namin mapapanatili ang lugar na to. I heard matalik na magkaibigan ang Dad mo at ang Dad ko."
BINABASA MO ANG
Bride In Disguise (BxB ongoing)
RomanceKambal na lalaki at babae sina Finn at Quinn Wilson. Si Finn na playboy at puro sakit ng ulo ang dulot sa pamilya at si Quinn na malambing at mapagmahal na kapatid. Dahil sa pagiging sakitin ni Quinn mula pagkabata, ay naging overprotective si Finn...