Chapter 39: Invitation

3.6K 216 9
                                    

"Kumusta ka na? Di ka manlang nagsabi na ngayun ang balik mo galing Moscow."

Inabot ni Finn ang table napkin sa ibabaw ng mesa sabay maingat na pinunasan ang kanyang mga labi.

"Hmm... maayos naman. Pinapunta ko muna si Aldrin upang sya muna ang magpatuloy ng ilang papeles para makabalik at makapag-pahinga muna ako. Kilala mo naman si Dad, masyadong mataas ang expectations lalo na sa pagpapatakbo ng kompanya." tugon ni Aldrich sabay napabuntong-hininga.

Napangiti at napailing na lamang si Finn sa sitwasyon ng kanyang kaibigan.

Alam nya kung ganu ka desperado ang ama nitong si Mr. Alfaro Grieg, na malaktawan ang mga katunggali nito. Mataas ang ekspektasyon nito kay Aldrich na syang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng mga negosyo oras na humina at pumanaw na ito.

Gayunpaman, malaki ang pagkakaiba ng layunin ng mag-ama. Sapat na para kay Aldrich ang ilang pag-aari nitong mga hotel at restaurant upang mamuhay. Ganun ka simple ang kanyang kaibigan, hindi rin ito mahilig makipag sosyalidad mapa publiko man o pribado kaya't ganun na lang kalaki ang paghanga nya rito.

"How about you? I heard unti-unting nakakabangon na ang FQ Wilson. I'm sure matutuwa si Uncle Robert oras na malaman nyang nag-mature na ang pasaway nyang anak."

"W-What?!"

"Pffttt!!" mahina itong tumawa sa reaksyon nya dahilan upang makaramdan sya ng bahagyang pagkainis rito.

"Tsk! May choice ba ako? Isa pa hindi ako papatahimikin ng matandang yun kapag pinabayaan ko ang kompanya." anya nya sabay iniwas ang paningin at ang namumula nyang pisngi.

"Hahaha! Yeah yeah.. alam ko namang hindi mo matitiis ang Dad mo. Mas pipiliin mo paring maglaro bilang isang mapagmahal at responsableng anak sa ganitong sitwasyon."

"Y-You.!!—.."

Asar na tinapunan nya ito ng matatalim na titig ngunit sinuklian lang sya nito ng mapang-asar na mga ngiti.

/ringgg! rinnngg!/

"Ah! Please excuse me."

Agad ng inabot ni Aldrich ang cellphone sa kanyang bulsa, tumayo ito at nagmamadaling humanap ng tahimik na lugar upang sagutin ang tawag.

Muli nyang ibinalik ang atensyon sa pagkain at tahimik na ipinagpatuloy ang kinakain. Ilang sandali pa ay naramdaman nya ang isang mainit na hininga mula sa kanyang tainga dahilan upang makaramdan sya ng kilabot.

"Hello Mr. Wilson... we meet again."

Namilog ang kanyang mga mata ng marinig ang mapang-akit nitong boses sabay mabilis na napalingon rito.

"M-Mr. Velloso?!"

Halos ilang sentemetro na lamang ang pagitan ng mukha nito sakanya dahilan upang bahagyang mapaatras sya.

"Hello there."

Ngumiti ito sakanya habang nakatukod ang mga kamay nito sa sandalan ng kanyang kinauupuan. Suot nito ang magkakaternong white suit at sapatos na tila anumang oras ay syang magbubukas ng tarangkahan ng kalangitan.

"Anong... Anong ginagawa mo rito?"

Agad na pumasok sa kanyang isipan ang huling pagkikita nila sa event at ang nakakakilabot nitong inasta sakanya. Tila nagsipag-tindigan ang kanyang mga balahibo sa buong katawan kaya naman muli nyang inilayo ang distanya sa binata.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon