Chapter 3: Tears from Heartache (Part 1)

5.9K 269 24
                                    

/bang!! Bang!! Bang!/Game over/

"Haist! Ano ba yan talo na naman ako!" sabi ni Finn na inihagis ang controller sa sofa.

"Hahaha! Pano ba ya, another 10K.. hahaha!" sabi ni Marlon na ibinuka ang palad.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nya na tila nanunukso pa.

"Wala na akong cash dito, anong bank account number mo?" tanong ni Finn na kinuha ang cellphone. Ibinigay ito ng kaibigan nya at agad syang naghulog dito.

"Yun oh!! Haha! Thanks bro.." sabi ni Marlon na tinapik sya.

"Thanks my ass! Piss off!"

Lumakas ang tawanan ng mga gago nyang tropa. Ilang sandali pa ay biglang nag ring ang cellphone nya. Napangiti sya at tumayo sa kinauupuan para sagutin ito.

"Babe, napatawag ka?" tanong nya na lumabas ng pinto.

["Babe can we talk tonight?"]

"Yeah sure, where? Do you want me to pick you up?"

["No need. Let's just meet at Guada Park."] sagot nito.

"Ok, I'll wait."

["Hm."]

Napangiti si Finn at agad na kinontak ang flower shop para umorder ng isang pumpon ng bukaklak. Napatingin sya sa oras at nagpaalam na sa kanyang mga kaibigan.

*****

Nakaupo si Finn sa bench hawak ang isang pumpon ng pulang rosas. Maya't maya kung tumingin sa relo at halos hindi nya maitago ang sayang nararamdaman.

Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng mahinang boses.

"Finn?"

Napalingon sya dito at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Babe!"

Lumapit sya dito at aktong yayakap sana ng biglang umiwas ito. Nagtataka syang napatingin sa dalaga.

"I want to tell you something Finn so I'll make it fast."

Biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba si Finn. Tiningnan sya ng dalaga at nagtama ang kanilang paningin.

"Finn... let's break up."

Nanlaki ang mga mata ni Finn. Nanginig ang kanyang mga kamay dahilan para mabitiwan nya ang hawak na bulaklak.

"B-babe, you're just kidding right. It's not funny." sabi ni Finn na ngumiti ng mapakla.

"I'm serious Finn, I don't want to be with you anymore."

"P-pero bakit? M-may ginawa ba akong mali? Nagkulang ba ako? Aries! Tell me." tanong nya na nakahawak sa braso ng dalaga at halos mapaluhod na.

Namumula ang mga mata nya na tila anumang oras ay babagsak na ang kanyang mga luha. Umiling ang dalaga na bumitaw sa pagkakahawak nya.

"N-no Finn. It was just... I'm seeing someone else... and I love him." pag amin ng dalaga na yumuko.

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ni Finn. Nakaramdam sya ng galit at tiningnan ang dalaga.

"I'm sorry Finn—.."

"Pero pano ako!!! Aries! Sa loob ng tatlong taon, minahal kita ng sobra!! Wag mo naman gawin sakin to! Wag mo naman akong iwan dahil nagsawa ka na! Wag mo naman ako itapon dahil may bago ka na!! Please Aries, don't do this to me!! Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan kaya please Aries.." napaluhod sya sa harap ng dalaga.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon