Chapter 43 #Arrival

115 8 1
                                    

Xavier's POV

Nandito ako ngayon sa airport. Napaaga nga ang dating ko rito, na dapat mamaya pang gabi. Mabuti nalang at tinawagan niya ako agad na mapapaaga ang flight niya pabalik ng Pilipinas.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Kung alam ko lang, hindi na 'yon mapakali habang nasa himpapawid pa siya. Yung tipong sa sobrang excited, gusto na niyang tumalon palabas ng eroplano. Ganon ko siya kilala. Kahit na ba matalik na magkaibigan pa sila ng kapatid ko ay itinuring ko na rin siya bilang nakababata kong kapatid.

Isasama ko dapat si Stephie ngayon, kaso naalala ko pala na wala siyang alam sa plano ko na pabalikin ang isang taong nawalay sa kanya simula noong tumuntong sila ng high school. Mabuti nalang at may pasok siya ngayon. Hangga't maaari ay manatili itong sikreto. Balak ko naman siyang sorpresahin. Hindi lang sa ngayon.

***

Stephanie's POV

"Kuya, dalawa pong nasa cup. Ano, yung isa mango lang tapos... ikaw? What flavor do you want?"

"Ha? 'Wag mo na akong bilhan. Hindi ko hilig ang ice-cream."

"No. I insist. Tsaka peace offering ko ito at minsan lang ako manlibre, so please..."

"Hindi nga, promise. Okay lang. Ikaw nalang ang bumili."

"No. Ano ng flavor? Naiinip na si kuya oh."

He sighed. "Kahit ano nalang."

"Isang mango then chocolate po yung isa."

After namin bumili ng ice-cream ay naghanap kami ng pwedeng maupuan. Mabuti nalang at may malapit na park dito. Umupo kami dun sa may swing.

"Salamat pala dito sa ice-cream. Hindi ka na dapat nag-abala pa." sabi niya.

"It's nothing. Sabi ko nga kanina, peace offering ko 'yan. Okay ba?"

"Hmm. We should do this more often."

"Ang alin?" tanong ko.

"Yung ganito, yung magkasama tayo. Kakain, magku-kwentuhan..."

"Ah, you mean like, bonding ganun?" nilingon ko siya. Ang bilis niyang kumain ng ice-cream. Samantalang ako, ninanamnam ko pa.

"Uh, yeah? Pwede na."

Natawa ako. "Bakit parang 'di ka sure sa isasagot mo? Do you have other things in mind?"

This time, siya naman itong napalingon. Nagkatinginan kami. And I can't help myself but to divert my eyes away. Hindi ko alam pero as much as possible, ayokong makita yung mata niya. Kasi nagre-react yung puso ko. My gosh!

"Anong ibig mong sabihin?"

Umiling ako. "Wala, wala. Nevermind."

Silence. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain sa ice-cream hanggang sa maubos ko na.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Hinahayaan ko lang na dumampi ang malakas na simoy ng hangin sa akin. Ang sarap manatili sa lugar na ito. Napaka-peaceful. Yung tipong makakalimutan mo ang mga problema mo kapag dito ka napadpad.

Ano na naman ba itong naiisip ko? Nagiging ma-drama na naman ako sa tuwing nandito ako sa park. Hindi naman ako nag-iisa na. Kasama ko siya, yung taong matagal ko ng gustong maging kaibigan. I smiled. Natutuwa talaga ako.

"Why are you smiling?"

I looked at my side, nakaupo pa rin siya sa swing pero hindi siya nakatingin sa direksyon ko. Diretso lang ang tingin niya, na para bang may malalim siyang iniisip. Paano kaya niya nalaman na nakangiti ako? Hindi kaya, may 6th sense siya?

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon