Stephanie's POV
Nagpatawag ng practice si Daddy V ngayong hapon. Hay! Imbes na makapag-pahinga ako sa bahay dahil sa walang homeworks or projects na take home. Ti-next ko na si oppa na medyo male-late ako ng uwi. Balak ata ni Daddy V na matapos ito kahit sa kalahati lang. Malapit na rin kasi namin ito i-perform sa klase. Ang bilis nga ng oras eh.
Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa campus lawn habang hinihintay yung iba naming ka-grupo. Kaka-dismiss lang ng klase at bilin sa'min ni Daddy V na dumiretso dito. Mag-isa akong bumaba dahil sa may inaasikaso pa si Anna kanina sa room. Nagpaalam naman ako na mauuna na ako sa baba. Aish! Ang loner ko na naman dito. 'Di ko naman kasi ganun ka-close yung iba kong ka-grupo na nandito. May sarili din silang mundo.
Hay! Makagawa nga din. Hinanap ko sa bag ang earphones ko. Makikinig muna ako ng music para maibsan ang boring na atmosphere.
Now Playing: Overdose by EXO
'Yon! Kpop music equals happy heart and mind. Haha! Ayan. Very relaxing naman ito. Ang sarap tuloy humiga kaso ayoko. Baka may sumita sa'kin ulit. Mahirap na. Tama na yung may nagawa akong mali ngayon na isa. Nag-promise na akong hindi na ako gagawa ulit ng hindi ikakasiya ng guro ko.
Flashback
Pabalik na kami ni Anna sa room. Napansin ko na medyo nagkakagulo ang klase. Akala ko ba may teacher? Bigla namang lumabas si Jessie at nung nakita kami ay sinalubong niya kami.
"Grabe kayo mga ateng! Anong petsa na? Saan ba kayo nagsi-puntahan?" bungad niya sa'min.
"Sorry na. Ngayon ko lang natagpuan si Stephie. Nand'on lang pala siya sa rooftop. Jusko." sagot naman ni Anna.
"Nako. Mabuti nalang nung lumabas ka, saktong nagpa-tawag ng emergency meeting ang lahat ng faculty members." -Jessie
"Ah. Kaya naman pala ang iingay niyo na. Rinig na rinig namin kanina habang pababa kami." sabi ko naman.
"Wala eh. Ano pa bang maasahan niyo sa section natin? Nga pala, sabi ni Ma'am, hindi na niya kayo ma-markahan na absent pareho. Pasalamat kayo nag-iba agad ng mood kanina n'on." -Jessie
"Talaga? Seryoso? Yes!" at nag-diwang sa saya si Anna. Hindi ko sila ma-gets.
"Bakit naman kami mamarkahan na absent?" tanong ko sa kanila.
Inexplain nila sa'kin ang dahilan. Oo nga pala. I almost forgot na yung teacher pala namin after recess is super terror at very strict sa attendance. Dapat always on time ka sa klase. Kahit isang minuto ka lang na late, expect mo na may parusa ka. Well, hindi naman gan'on kabigat yung parusa. Depende pa 'yon sa bigat ng kasalanan mo. One time, may kaklase akong na-late ng almost 30 minutes sa klase, tapos dire-diretso lang siya ng pasok sa room, hindi man lang napansin yung teacher at bumati. Ayun, napa-guidance ng disoras.
"Sorry. Dapat hindi mo na ako sinundo pa. Pababa na rin sana ako n'on. Kaso alam mo na..." sabi ko kay Anna. Kasalanan kasi nung lalaki na 'yon. Yung walang kwentang kausap. Tss.
"Bakit? May nangyari ba sayong 'di maganda d'on?" tanong ni Jessie.
Bago pa man ako maka-sagot ay nakita ko si Ma'am na palapit sa'min.
"Kayong tatlo, bakit kayo nasa labas? At bakit ang ingay ng klase niyo? Jusko! Nawala lang ako saglit, ang iingay at ang gugulo niyo pa."
Lumapit pa si Jessie kay Ma'am at hinila niya kaming dalawa ni Anna rin palapit.
"Ma'am, nandito na po si Stephie at Anna." sabi ni Jessie dito.
Napatingin naman sa'min si Ma'am. Kinabahan ako bigla. Baka sermonan kami. Pero hindi bakas sa kanyang mukha ang pagka-inis o galit man lang.

BINABASA MO ANG
This Is Me
Teen Fiction"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING