Chapter 28 #Sick

149 7 4
                                    

Stephanie's POV

Agad akong napamulat ng mata at biglang sumakit ang ulo ko. Tapos ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. What is happening to me?

T_T

"Stephie.."

Dahan-dahan akong napalingon sa nagsalita. Nakita ko si eomma, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"E-eomma?" at hirap din akong magsalita. Parang may bumabara sa lalamunan ko. I manage to sit pero agad akong pinigilan ni eomma.

"Wag ka munang tumayo, anak. May sakit ka. Kagabi ka pa nilalagnat."

Ha? Ako nagkasakit? Kaya pala parang ang tamlay-tamlay ko kagabi pagkatapos kumain.

"Hindi ka muna pwedeng pumasok ngayon sa school." sabi pa ni eomma.

No. Hindi pwede. Never pa akong uma-absent eh. Kaya ko pa naman. Titiisin ko basta lang makapasok.

"Eomma, I can't be absent today. May exams kami ngayon."

"Naipaalam ka na ng kuya mo sa mga teachers mo. Pumunta siya ngayon sa school mo. Pauwi na siguro yun. Hindi daw muna siya papasok ngayon para mabantayan ka niya."

"Pero paano po kayo?"

"Kailangan ko kasing pumasok sa work muna. But uuwi ako ng maaga, okay?" at hinalikan niya ako sa noo. "Magpahinga ka muna." sabi niya at lumabas na siya ng kwarto ko.

Humiga ako ulit. Damn! Bakit ngayon pa ako nagkasakit?

*sigh*

Pero mas inaalala ko yung dreadful dream ko. Grabe. Parang totoo kasi. Lalo na yung pinakahuling scene

I Like You...

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Ang kaso nga lang, sa panaginip lang yun. At never mangyayari sa totoong buhay, unless hindi mo ikukwento.

Tama! Kailangan ko ngang ikwento para hindi magkatotoo. Teka? Bakit parang mas gusto ko pang hindi yun mangyari? Eh diba matagal ko ng hinihintay yun.

O_O

Say what?! Ginusto ko pala yung ganong confession? Jusme! Ikamamatay ko ata ang sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.

****

Anna's POV

(At School)

(Breaktime)

"Bakit absent si Stephie?" tanong sa'kin ni Summer. Nandito kami ngayon sa canteen, kasama ko ang buong barkada. Malamang kasi breaktime namin. At nakakalungkot kasi wala dito si mommy. :(

"May sakit daw siya sabi ni kuya Kevin." sagot ko.

[Flashback]

"Anna.." narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa labas ng pinto ng room namin. Nakita kong nakatayo ang kuya ni Stephie. Lumapit naman ako.

"Kuya Kevin! Anong ginagawa niyo dito? At saka nasaan si Stephie?" tanong ko.

"Yun nga ang pinunta ko dito. May sakit kasi siya. Kagabi pa. At hindi muna siya makakapasok ngayon."

Ano? Hala! Hindi pwede! "Eh kuya, paano na yan? May mga exams kami ngayon. Hindi pa naman nagbibigay ng special test yung iba naming teachers." paliwanag ko.

"I know. That's why I'm here. Kakausapin ko sila. At hihingi sana ako ng pabor sayo."

"Ah, okay. Ano yun? Anything basta kaya ko."

I heard him chuckled. "After ng klase niyo, dumaan ka sa bahay. Alam kong sayo yun magtatanong si Stephie kung ano yung mga ginawa niyo ngayon araw."

"Of course. Pupuntahan ko naman talaga siya, knowing na she is sick today. You can count on me always." at ngumiti ako.

He smiled too. "Salamat, Anna.. Talagang tunay ka niyang kaibigan."

[End Of Flashback]

"Ganun? Bisitahin kaya natin siya?" Summer.

Yun nga dapat ang sasabihin ko sa kanila ngayon. Nauhan lang ako.

-.-

"Oo nga. Tama si Summer. I really miss Stephie na. Ang dami ko pa namang ichi-chika sa kanya." Jess.

"Yun nga ang plano ko eh. Pinapangunahan niyo kasi ako."

"Ann, kalma ka lang. Mahina ang kalaban." biro naman ni Ken.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Para kang baliw."

"Ayeeeiii! Ang cute niyong tingnan." pang-aasar ni Samantha.

-_-

"Tama! Bagay talaga kayo. Pusuan na yan!" pagsang-ayon naman ni Angel.

T_T

" 'Tay naman..." sabi ko kay Angel.

At tumawa silang lahat. ._. Seriously? May nakakatawa ba? Kung nandito sana si mommy, ipagtatanggol niya ako sa mga taong kasama ko ngayon, na mukhang takas sa mental.

Stephie: Alam mo kasi, nak, boto naman ako sa pagsasama niyo ni Ken. Kaya 'wag mo ng i-deny. Bagay kasi kayo, alam mo yun... *smirk*

T.T

I doubt that.

****

Aiden's POV

"Okay, sa formulang ito, pwedeng blah, blah, blah..."

Nakakawalang-ganang makinig sa teacher ngayon. Paano kasi, wala siya. Wala yung inspirasyon ko.

Teka, mali! Erase! Aish! Ano ba itong pinagsasabi ko!

"Huy! Kanina ka pa tulala dyan. Problema mo?" natauhan ako bigla ng siniko ako ng katabi ko.

I just give him a blank stare. "Wala. Ang boring lang." at tumingin ulit sa harap.

"Pffft! Bago yan ah. Kailan ka pa naboringan sa subject natin sa Math? Eh favorite subject mo nga yun." Spencer.

Nagkibit-balikat lang ako. Ewan ko. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko magmula kahapon. Ni hindi ko nga alam kung ano yung nag-udyok sa'kin para halikan siya. Ang masaklap pa, nakita kami ng kuya niya at nasuntok pa ako. Good thing hindi halata yung sugat dahil panigurado, uusisahin ako ng mga kabarkada ko.

>_

"Mr. Lee, kung hindi ka naman interesadong makinig sa klase ko, might as well get out." nagulat ako ng nasa harapan ko na ang Math teacher namin.

"I'm sorry, Sir." nag-bow ako, tumayo at lumabas ng room.

I need some fresh air. Kaya sa rooftop muna ako tatambay. Kailangan ng isip ko na mahimasmasan ng konti. Kanina pa lutang eh. Sumandal ako sa pader at napaupo. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mata ay yung mukha niya ang lagi kong nakikita.

Damn! Stay away from my head! Ginugulo mo lang ang isipan ko. Sht! You're making me crazy, Stephie.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon