Stephanie's POV
Isang tipikal na araw na naman ang lumipas sa buhay ng isang estudyante na tulad ko na ang tanging ginagawa lamang ay ang mag-aral ng mag-aral hanggang sa dumating sa punto ay mapapagod ka na at pagsasawaan mo din ito. Pero hindi pa naman dumarating ang oras na 'yon. Mas lalo nga akong ginaganahang pumasok dahil sa may magandang dahilan kung bakit ko gagawin 'yon. Edi para kay crush. Joke lang!
So far, maganda pa naman ang bungad sa'kin ng umaga dahil matiwasay akong nakarating ng school at hindi late sa unang klase namin. And I am hoping na magtuloy-tuloy ang good vibes dahil naitulog ko na yung mga problemang kinaharap ko kahapon.
Speaking of yesterday's matter, hindi pa rin talaga ako nakaka-move on d'on sa tagos sa pusong hugot line ni Aiden. Feeling ko may pinagdadaanan 'yon sa buhay pag-ibig niya at bigla akong na-curious. Nagkaroon na kaya siya ng girlfriend o ka-MU? Baka crush meron 'yan kasi hindi ka normal na tao kapag wala. Abnoy ka. Joke! But why all of the sudden gusto kong malaman ang lovelife status niya?
Eh kasi naman po, umaasa ka na sana ikaw yung crush niya. Sus.
Hala? Pinagsasabi mo d'yan? Hindi ako umaasa and never will I. Ang dami mo talagang alam, konsensya. Kaya palagi akong nalalagay sa hotseat nang dahil sayo.
Wow! Talagang ako pa ha? Tandaan mo, inner spokesperson mo lang ako at nanatili lang ako sa pinaka-ilalim na bahagi ng iyong utak. At nasasayo na 'yon kung hahayaan mo akong mag-take over. Kung makasisi 'to. Layasan kita d'yan eh.
Sige na. Ikaw na panalo. Beastmode ka agad eh. Keep calm and don't leave little Stephanie alone. :D
"Mommy! Tulaley ka na naman. Napapadalas na 'yan ah. Ikaw ha! Iniisip mo ba si tatay? Yiiiee!"
I was put back to my senses again nang marinig ko ang boses ni Anna. Napalingon ako. Hindi ko namalayang nandito pala siya. Naka-upo siya sa upuan ni Bryan. Wala pa kasi yung dapat kong katabi. First time ata n'on mala-late ah.
"Huh? Ah. Pasensya na. May naalala lang ako. At hindi ko siya iniisip. Grabe ka."
"At ano naman 'yang naalala mo aber? Yung mga sweet moments niyong dalawa? Ay speaking of, mag-kwento ka nga tungkol sa mga nangyari kahapon sa practice. You know..." ngumisi siya habang tinataas-baba niya ang kanyang kilay.
Napa-kunot ang noo ko. May kailangan ba akong ikwento sa kanya? Wala namang interesting na nangyari kahapon sa totoo lang. Maliban sa sumabak na naman ako sa hotseat ay wala ng iba. Ay, isama na pala natin yung hugot line of the day niya.
"Well, ayun, walang nangyari. Tumambay lang sila tapos naglaro. Kulang kasi tayo. Kaya sabi ni Daddy V, sa susunod nalang ulit. Sasabihin nalang niya kung kailan."
"Ah okay. Sorry na, mommy. Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon. It's hard to deal with a strict parent." bumuntong-hininga siya at dumako ang tingin sa sahig.
Tinapik ko ng mahina ang likod niya bilang pag-comfort at dinamayan siya sa pagda-drama. Naalala ko bigla si oppa. Strict din siya pero hindi naman ganun ka-grabe na kulang nalang ay i-homeschool ako dahil ayaw niya akong lumabas o gumala man lang. Kaya thankful pa rin ako dahil may kabaitang tinatago pa si oppa sa katawan niya, kahit minsan 'di kami nagkakasundo sa ibang bagay. He's still the perfect kuya for me.
--
Third subject bago sumapit ang recess, hindi kami sinipot ng teacher namin. Para sa iba, masaya 'yon kasi magagawa na naman nila yung mga bagay na ikakasiya nila. At isa ako d'on. Ang boring kasi yung klase bago pa ang oras na ito. Kaya medyo papikit-pikit ako kanina na talaga namang nilabanan ko para lang 'di mahuli na inaantok. Siguro binigay itong oras para ang iba sa'ming puyat na magpahinga kahit saglit lang. Late na rin kasi ako nakatulog kagabi. Puro pag-facebook at pag-stalk sa profile ni crush kasi ang inaatupag, ano po? 'Wag niyong tutularan ang may ganitong pag-uugali. Joke lang.
BINABASA MO ANG
This Is Me
Teen Fiction"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING