Stephanie's POV
Narinig kong tumunog ang phone ko. Napatakbo ako papunta sa kama at mabilis na dinampot iyon saka sinagot ng hindi man lang tinitingnan kung sino yung natawag.
"Hello?"
(Mommy!) si Anna lang pala.
"Oh? Bakit? Paalis na ako. Nasaan ka na?" tanong ko.
(E, ayun nga ang problema ko ngayon. You see, hindi ako makaka-attend ng practice---)
"ANO?!" I screamed at the top of my lungs.
(Teka! 'Wag kang sumigaw! Kalma lang, Stephie. Alam mo naman siguro ang rason kung bakit, diba?)
I heaved a sigh. Oh well, wala na akong magagawa. Kahit anong pilit ko sa kanya ay wala ring mangyayari. I can't compete to his very strict father. Wala rin akong laban, 'no? Paano kaya kung si oppa ang ipangtapat ko? Baka magkaroon pa ng riot. Knowing my brother, hindi yan magpapatalo.
"Okay, I understand. Ang kaso, baka hindi rin ako payagan ni oppa kasi wala ka. E, alangan namang hindi ako mag-participate. Musta naman grade ko nun?"
(Then 'wag kang magbabanggit about sa'kin. Magaling ka naman sa mga palusot, Stephie. Kaya mo yan. Nag-paalam na ako kay Vince at sabi niya okay lang daw. Habol nalang sa susunod na practice.)
"Fine. Sige na. Paalis na din ako. Saan nga ulit yung lugar ng practice?" ang bilis ko naman kalimutan yun. Parang kagabi lang sinabi sa'kin. Next time, magdidikit na ako ng Post-It sa noo ko.
(Sa bahay nila Aiden. Jusme, mommy. May almzeimer's lang ang peg?)
Ay! Oo nga pala! "Sorry po. Nawala kasi sa isip ko. Pero, paano na yan? Hindi ko nga alam bahay nila. Tapos wala ka pa. Edi maliligaw ako pag nagkataon."
(Hindi yan. Ganito nalang. May ifoforward ako sayong number mamaya. I-text mo o tawagan. Para magabayan ka sa directions.)
Naks. Parang may sarili lang akong GPS ah. "Kaninong number naman? Sila Monique nalang kontakin ko?" sabi ko.
(Basta. Sira phone niya. Basta, mommy. Wait for my text.)
"Sure, sure. Sige. Bye!" at ibinaba ko na ang tawag.
Mga 10 mins. din bago ko ma-receive ang text ni Anna.
From: Anna Im
0912*******. Call that number, mommy. Goodluck! Ingat sa paglalakbay mo tungo sa..... hehe!
Ano daw? Saan naman ako maglalakbay? E, praktis lang naman pupuntahan ko. Napailing nalang ako. Ang dami talagang alam sa buhay.
--
"Oppa! Aalis na ako." paalam ko. Tumango lang si oppa na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine. Himala. Hindi niya ako kinulit kung saan ang lakad ko ngayon.
"Umuwi ng maaga, Stephie. Subukan mong gumala after ng practice niyo at sa labas ka ng bahay matutulog." ma-awtoridad na bilin niya sa'kin. Kahit kailan, napaka-over protective.
"Yes po, boss. Masusunod po, boss." biro ko.
"Tss. Tigil-tigilan mo ako sa kalokohan mo, little sis. Seryoso ako." seryosong sabi niya habang hindi niya inaalis yung tingin sa binabasa niya.
Parang 'di naman ito mabiro. Hayaan na nga. Baka mas lalong mag-alburuto sa galit yan. "Oo na. Sige. Bye, oppa!"
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ack! Ano ba?! Balak mo ba akong patayin sa yakap, Stephie?" reklamo ni oppa.
Ngumiti lang ako at nag-peace sign. "Hehe! Sorry! Mamimiss kasi kita, oppa."
"Tss. Ewan ko sayo. Umalis ka na nga." pagsusungit niya.
Sus. Ganyan naman yan palagi kapag nilalambing ko siya. Pero deep inside, kinikilig yan for sure. Ayaw lang niya ipakita. Nararamdaman ko naman. Kaya wala siyang takas.
"Ouch naman, oppa. Pinagtatabuyan mo na ba ako?" nakasimangot kong sabi.
Binaba niya sa lap niya yung magazine saka ako tiningnan ng naka-pokerface.
"Para kang bata, alam mo yun. Kapag 'di ka pa umalis sa harapan ko, kakaladkarin kita palabas."
I sighed. "Fine. Sungit mo talaga kahit kailan. 'Di na ako babalik dito." pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto.
Wala akong narinig na kahit anong reaction galing kay oppa. Napalingon naman ako. Wala na siya doon sa sofa.
O.o
Hala? Ang bilis naman mawala nun. Nagkibit-balikat nalang ako. Aish! Bahala siya. Maka-alis na nga. Malalate na ako sa praktis namin.

BINABASA MO ANG
This Is Me
Teen Fiction"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING