Chapter 18 #TheFaultIsYours

234 15 0
                                    

Anna's POV

O.o

Nagtataka kami sa kinilos ni Stephie kani-kanina lang. Anong nangyari dun? Bigla nalang niya kinuha yung bag sa akin sabay umalis? Hindi man lang nagpaalam?

Pero napansin ko, parang galing siya sa pag-iyak. Medyo teary-eyed tapos malungkot pa. May problem ba siya?

"Ann, susundan ba natin si Stephie? Baka kung anong mangyari sa kanya sa daan. Alam mo na..." sabi ni Jess.

Oo nga. Ngayon na alam na namin na may sakit siya, kailangan na namin siyang bantayan. Baka kasi biglang himatayin at kailangan na din naming ilayo yun sa sobrang stress. Lalo na ngayon, nag-walkout bigla.

"Oh, Aiden! Saan ka galing? Si Stephie, umalis na."

Napalingon ako. Si tatay pala. Teka, diba dapat binabantayan niya si mommy? -_-

Nilapitan ko siya at sinapak. Nahahawa na ako kay Jess. Nagiging sadista na rin. xD

"Ang kapal naman ng mukha mo. Pagkatapos ka namin pagkatiwalaan na babantayan mo si Stephie, kung saan-saan ka pumupunta. Ayan tuloy, nilayasan niya kami. Siguro naman na aware ka sa kondisyon niya nga---" naputol yung panenermon ko sa kanya dahil bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.

Yung totoo? Kanina pa ha? Nakakatakot ba akong magalit kaya tinatakbuhan nila ako?

Susundan ko sana siya ng bigla akong pigilan ni Summer.

"Hayaan mo na. Sigurado akong sinusundan yun si Stephie."

I sighed. "Nakakainis kasi eh! Talaga lang. Pag may nangyaring masama kay Stephie, kakalimutan kong may tatay pala ako."

Tumawa lang siya. Tss. What's so funny sa sinabi ko. -.-

"Alam mo, imbes na ma-high blood ka dyan, umuwi na rin tayo. Kamustahin nalang natin si Stephie mamaya." sabay hila sa akin ni Jess.

*sigh*

Sorry, Stephie kung hindi ka na namin masusundan pa. Naunahan na kami eh. And he's on his way na sayo. Sana naman this time, bantayan ka na nun. Ipapabugbog natin kay Kuya Andrew pag hindi. Humanda siya.

"Hoy! Anna! Natulala ka na dyan. Sabi ko pahiram ng book mo sa Math."

I snapped back to reality ng marinig ko ang boses ni Suzy. Kinakausap pala ako?

"Ha? Anong sabi mo ulit? Sorry."

Nag-poker face siya. "Aish! Walang ulitan sa taong bingi."

Eh? Napakamot nalang ako sa ulo. Sa hindi ko talaga narinig. T.T

***

Aiden's POV

Sht! It's all my fault. Dapat pala hindi ko siya iniwang mag-isa. At dapat hindi ko rin sinabi yun. Mahirap ng bawiin yun lalo na at narinig niya mismo. Nakakaasar kasi yun si Spencer. Pinilit ako.

Ayoko kasi na masira yung pagkakaibigan namin ng dahil lang sa isang babae.

Pero ayoko din na makapanakit ng damdamin ng iba, lalo na ng babae.

Aish! Ang gulo!

Tsk! Saan ko na siya hahanapin ngayon?

She's nowhere of sight.

Stephanie..... I'm sorry....

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon