Stephanie's POV
Hindi ko na namamalayan kung saan na ako patungo ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa daan at umiiyak pa din. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo sa kanya. Damn! Now I know the truth hurts a lot! Dapat pala hindi nalang ako napadpad doon kanina. Nakakainis! Mukha talaga siyang orocan. Siguro at that time, awa lang yung nararamdaman niya at hindi concern.
Tumigil ako saglit para magpunas ng luha. Dapat hindi ko siya iniiyakan. He is not worth of my tears anyway. Napatingin naman ako sa paligid. Mukha pa namang pamilyar. Phew! Akala ko naliligaw na ako. And then I saw a park nearby. Tatambay muna ako dun saglit. Ayoko kasing umuwi na ganito ang lagay ko, mugto ang mata. Sermon lang abot ko kay kuya. T_T
****
Aiden's POV
Kahit papaano ay nasundan ko pa rin siya hanggang dito sa park. Pero hindi ako nagpapakita. Kita ko na sobrang lungkot niya ngayon. And it's all my fault. Kung bakit ko kasi nasabi yun kanina. Naging padalos-dalos ako. Ayn tuloy, may umiiyak. Yun ang ayaw ko sa lahat. Yung nakikita silang luhaan at ako ang dahilan kung bakit sila lumuluha. Gusto ko siyang lapitan ngayon. Gusto ko siyang i-comfort man lang. At gusto kong humingi ng tawad. Handa naman ako kung sakaling walang patawad yung ginawa lo pero sana wag lang niya akong layuan. Dahil sa mahihirapan akong isagawa yung misyon ko.
****
Stephanie's POV
Ilang minuto din ang lumipas. At kanina pa ako naka-upo dito sa swing. Masyado ko ng nilalasap ang hangin dito. At medyo gumagaan na rin yung loob ko. Matagal-tagal na rin ako kasi hindi umiiyak kaya nakaka-relieve talaga siya ng stress.
Kanina ko pa rin napapansin na parang may nakamasid sa akib. Panay naman ang tingin ko sa paligid pero I don't see any unsual things. Umiiral na naman ang iyong imahinasyon. Kapag talaga ako lang mag-isa, malakas ako makiramdam. Kahit konting kislot lang, nababahala na ako. Parang may powers lang ang peg.
Naisipan ko na ding umuwi. Nakita ko kasi na makulimlim na ang langit. Naku! Baka abutan pa ako ng ulan sa daan. Nakalimutan ko ata ang payong sa bahay. Nagsimula na akong maglakad paalis sa park.
Habang nasa daan ay may nasalubong akong nagbebenta ng dirty ice-cream. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Wala pa kasi akong kain simula nung nawalan ako ng malay kanina sa school. Agad akong tumakbo papunta doon. Grabe. Bigla akong natakam sa mango flavored ice-cream. Magsasalita na sana ako ng may biglang humatak sa akin palayo doon. Syempre nagulat ako. Ikaw ba naman biglang hilain ng isang di mo kilalang tao. Pero sa case ko. Hindi siya stranger.
Tumigil naman siya sa pagkaladkad sa akin. Grabe. Parang mapuputol kamay ko nito. T_T
"Ano ba! Bakit mo ako hinila paalis dun sa ice-cream? Kitang nagugutom yung tao eh!" inis na inis kong sabi.
"Bakit ka kakain nun? Kumain ka na ba ng lunch? Ng kanin? Hindi pa diba?" kita mo na. Siya pa yung may ganang magalit. At dinaig pa talaga yung nanay ko kung makapanermon.
"Ano bang paki mo kung hindi ako kumain? Bakit? Hawak mo ba buhay ko? Tss." sabi ko sabay umirap. "Makaalis na nga!" at naglakad na ulit ako at nilampasan siya. Wala akong panahong makipag-plastikan sa kanya. Masyado siyang mapapel. Tss.
"Imbes na magpasalamat, ganyan yung sasabihin mo. Eh sa nag-aalala sayo yung tao. May magagawa ka ba?"
*dug-dug-dug*
That made me stop to my tracks. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok. Sht!
Eh sa nag-aalala sayo yung tao.
>.<

BINABASA MO ANG
This Is Me
Teen Fiction"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING