Aiden's POV
Lumabas na ako ng clinic at dumiretso sa office ng nurse na katapat lang naman ng clinic.
Kumatok ako at binuksan yung pinto para silipin kung nandun yung nurse.
"Uh, excuse me po?"
"Yes? Ano yun? Please come in." Napalingon naman sa akin yung nurse. Kumakain pala siya. Pumasok naman ako.
"Gising na po si Ms. Hwang." Sabi ko.
"Ah. Okay. Mabuti naman. Mamaya titingnan ko ulit yung lagay niya."
"Sige po. At saka po medyo nakakaramdam daw siya ng hilo."
"Ah, ganun ba?" May hinalungkat siya sa kanyang bag at inabot sa akin ang isang tablet ng gamot. "Pakainin mo muna siya tapos ipainom yang gamot." bilin niya.
"Sige po. Salamat. After niyo po ba macheck up ulit, makakauwi na siya?"
"Oo naman. Since maayos naman ang lagay niya. Teka, boyfriend ka ba ni Ms. Hwang?" biglang ngumiti yung nurse.
Napatawa ako ng mahina sa tanong niya.
"Naku! Di po. S-she's my friend lang po." At ngumiti lang ako.
"Ah. Okay. I see. Sige. Pupuntahan ko nalang siya mamaya. Huwag mong kalimutan yung gamot." At bumalik ulit sa pagkain yung nurse.
"Salamat po." Sabi ko at lumabas na ako ng office.
Bumalik ulit ako sa clinic para ihatid sa kanya ang gamot. Pagkapasok ko ay nakaupo pa rin siya sa kama at nakatungo.
"Stephie." tawag ko.
Nag-angat naman siya ng tingin. Halatang namumutla siya. "B-bakit?"
Lumapit ako saka inabot yung gamot. "Sabi ng nurse, inumin mo daw yan. Pampawala ng sakit ng ulo mo. Pero kailangan mo munang kumain."
Umiling siya. "Ha? Hindi. Hindi ko kailangan yan. Okay na ako. Nag-abala ka pa." sabi niya saka yumuko ulit.
I grab her hand at nilagay doon yung gamot. Mukhang nagulat pa ata siya sa ginawa ko.
"Basta inumin mo yan. Lalabas ulit ako. Pupunta lang ng canteen." paalam ko.
"Teka, wag na. Ano, kasi..." parang nag-aalangan pa siyang sumagot.
Alam kong gutom na siya eh. Bakit ba kasi ang tagal bumaba ni Anna?
"Sige na. Wait mo lang ako. Baka mamaya papunta na rin si Anna dito." I said at saka lumabas ulit ng clinic.
***
Stephanie's POV
O-kay?
Hindi ko siya maintindihan ngayon. Bakit ang bait-bait niya sa akin? Hindi ako sanay, promise. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Parang mas gusto ko pa na awkward nalang kami sa isa't-isa. At saka kapag ito nakarating sa mga kaklase namin, ay, panigurado hot seat na naman. T.T
*door opens*
Napatingin ako sa may pinto. Nakita ko sila Anna at Jessie. Nginitian ko lang sila.
"Mommy! Okay ka na? Nasaan si tatay?" sabi ni Anna habang nilalapag yung dala nitang bag sa sahig. Dala rin niya yung sa akin.
"I'm fine now. Yung tatay mo? Lumabas saglit."
"Saan ang punta na naman?" tanong ni Anna at tumabi sila sa akin. Himala, nag-kasya kami sa may kama. Maliit lang kasi ito.
"Sa flings niya." biro ko.
"What?! May flings na si Aiden? OMG! Stephie, kakalbuhin ko na ba sila?" ang OA naman nito ni Jessie. Kitang binibiro lang eh.
Hinampas ko nga. "Adik ka. Joke lang. Ang harsh mo masyado. Kalbo agad?" natatawa kong sabi.
"Ah, basta! Sabihin mo lang sa amin at ipapakita ko sa kanila ang itsura ng bermuda triangle."
I chuckled at napailing nalang. Napakasadista talaga nitong babae na 'to. Kaibigan ko nga ba yan? xD
"Mommy, ano yang nasa kamay mo?" tanong ni Anna habang nakaturo sa kamay ko na may hawak na gamot.
"Medicine ko daw sabi ng tatay mo."
"What? Ayeiii! Is he taking good care of you ba habang wala kami?" ngiting-ngiting sabi niya.
I feel myself blush. Naalala ko yung kabaitang pinakita niya sa akin kanina. Sht! Nagwala talaga yung puso ko dun.
"Namumula ka, Stephie." puna ni Jess. Naman eh!
"H-hindi ah. Psh! Mainit lang kasi dito." palusot ko.
Peste! Basta kapag sila ang kasama ko, wala akong takas sa tunay kong nararamdaman. Ang lakas ng sagap ng radar nila. Kahit sa malayo, nagegets nila agad.
Tumayo ako at dumistansya ng konti sa kanila, lalo na kay Jess. Baka mamaya hampasin ako bigla.
"Ang tagal naman ata nun." I mumbled. Ang lapit-lapit lang ng canteen. At saka walang pila ngayon kasi uwian na. :3
"Narinig ko yun, mommy." bigla akong napalingon sa tabi ko. Nakakagulat naman ito. Bigla nalang susulpot tapos bubulungan ka?
"N-narinig ang alin?" pasimple kong tanong.
"Sus. Idedeny mo na naman. Alam kong hinahahanap mo si tatay. Bakit hindi mo sundan?"
Ano?! As if naman magagawa ko yun. Tss. I just rolled my eyes.
"Ayoko nga. Baka kung ano pang isipin nun. And besides, I am not his stalker." mataray kong sabi.
"Anna! Nag-text si Summer. Pinapaakyat ulit tayo sa room." narinig kong sabi ni Jess. So, iiwan na naman nila ako dito ulit?
"Okay. Sabihin mo paakyat na." sagot naman ni Anna.
Tumayo na si Jess sabay hila kay Anna palabas ng clinic.
"Babalik din kami. Enjoy mo muna ang pag-stay dito. Babantayan ka pa ni tatay." sabi ni Anna sa akin sabay kindat.
T__T oh gosh!
"Whatever. Tsupi na kayo." pagtataboy ko sa kanila.
Tumawa lang sila at sinara yung pinto.
*sigh*
Alone again. Palagi naman eh. Hindi na ako nasanay. Nakakalungkot naman. Kahit babalik sila, feeling ko I am empty.
Ang drama ko naman masyado. Mas OA pa ata ako kesa sa reaksyon kanina ni Jess. Haha!
Ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin siya. Talaga bang bumili yun? O baka naman tinakasan ako at umuwi na?
Wow! Grabe ah. Matapos niya akong pag-hintayin dito? The nerve of that guy. Grrr! Kapal ng mukha para magpakita ng kindness. Hindi ko alam na gawa pala siya sa orocan. -_-
Conscience: Yan ka na naman sa kahibangan mo. Jumping into conclusions agad. Malay mo natagalan lang. Tsk tsk.
Oo na. Ako na naman ang mali. Palagi naman. Eh kasi ang tagal-tagal niyang bumalik! Gusto ko na kayang umuwi.
Conscience: bakit hindi mo puntahan? Dami mong kinukuda dyan. More work, less talk.
Psh! Eh? Ano ako? Stalker lamh? No way. Hahabaan ko nalang ang pasensya ko. Tss.
BINABASA MO ANG
This Is Me
Novela Juvenil"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING
