Chapter 31 #LostAndFound

112 8 3
                                    

Someone's POV

Habang abala ako sa pag-aasikaso sa mga gamit ko para sa school ay panay ang kakaisip ko sa mangyayari sa susunod na linggo. Kinakabahan ako na excited. Hindi ko lubos maisip na magkikita ulit kami. After 10 years ng pagkakawalay ko sa kanya. Madalang nalang kaming nag-uusap magmula nung tumungtong na kami sa high school. Alam ko at ramdam kong hindi pa rin siya nakakalimot. Dahil meron pa siyang pinanghahawakan na pangako galing sa'kin at hinding-hindi iyon mapapako.

Matapos kong maisara ng tuluyan ang aking bag ay dinampot ko ang isang frame na nakatayo sa side table ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

I've missed you. I can't wait to see you again...

***

Stephanie's POV

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kanina pa ako mukhang tanga dito na naglalakad na parang palaboy dahil sa hindi ko alam kung nasaan na ba ako. In short, naliligaw ako. Kaya nga kailangan ko talaga ng makakasama kasi paniguradong mababaliw ako dito. Kanina ko pa kaya kinakausap ang sarili ko. Nagtatalo kasi kami. Pinagtitinginan na nga ako ng mga nakakasalubong kong tao. Wala akong paki. Kung sila kaya yung maligaw.

Konsensya: E, bakit 'di mo pa tawagan yung number na binigay sayo?

Napatigil ako saglit sa paglalakad. Oo nga 'no? Bakit 'di ko agad naisip yun? Ang husay talaga ng memorya ng konsensya ko. Buti pa siya. Ako, halos ma-brainwash na ang aking utak sa sobrang daming impormasyong pumapasok.

Agad kong kinuha ang phone sa bulsa ko at hinanap ang text ni Anna. Hindi ko pa kasi nasasave yun. Malamang. E, sa 'di ko naman alam kung kanino yun.

Nang makita ko na ay kinlick ko yun at kusa ng lumabas ang caller ID. Itinapat ko sa aking tenga ang telepono at pawang sunod-sunod na pag-ring lang naririnig ko.

'Di kalaunan ay may sumagot na, na labis kong ikinagulat.

(Hello?) b-bakit boses LALAKI? At mukhang pamilyar pa.

"Uh, h-hello? Sino po ito?" magalang na kinakabahan kong sagot sa kabilang linya. Bigla kasing bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit kaya?

(Ikaw muna. May I know your name at bakit mo ako tinawagan?)

Shemay! Tumaas bigla yung balahibo ko sa pananalita niya. Hindi ako pwedeng magkamali. My gosh! Parang tumigil yung oras. Nakakainis!

"A-aiden?" hindi ko siguradong tanong sa kanya.

(Kilala mo ako?! Teka, nakikilala ko ang boses mo.) bakas sa kanyang pananalita ang pagkagulat.

"Ako 'to, si Stephanie." pakilala ko.

(Ha? Stephie? Soon-to-be wife? Ikaw yan?)

Ay hindi. Kakasabi lang diba? Bingi lang? O sadyang nagtatanga-tangahan lang? isip-isip ko.

"Oo nga. Naglilinis ka ba ng tenga mo?" irap ko.

(Of course. Ako pa. Teka, bakit ka ba napatawag? Aattend ka ba ng practice? Ay, wait, nabalitaan ko na nagkasakit ka daw. Okay na ba lagay mo, soon-to-be wife? Hello? Nandyan ka pa ba?)

Wala akong naintindihan sa sinabi niyang pagkahaba-haba maliban doon sa practice thingy. Saka sasabat na sana ako eh, kaso tuloy-tuloy kasi siya sa pagsasalita. Parang nakikipag-unahan lang sa kabayo.

"Oo, pupunta ako. Kaso hindi ko alam kung saan ang bahay mo. Naliligaw na ata--"

(ANO?! Nasaan ka? Tell me exactly where you are at pupuntahan kita.) nilayo ko konti yung phone sa tenga ko nang sumigaw siya. Parang baliw lang?

"E, ewan ko. Hindi kasi pamilyar itong lugar kung nasaan ako ngayon. Saan ba naka-locate ang bahay niyo? Nakatira ka ba sa subdivision--"

(Oo. Doon nga kami nakatira. Nadaanan mo na ba yun?)

"Yeah? Uh, ewan. I can't remember. Madami kasi akong nakikitang mga subdivisions dito."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. What's so funny? (Silly girl. Dalawa lang naman ang subdivision dito eh. Ganito nalang, 'wag kang aalis sa pwesto mo ngayon. Pupuntahan na talaga kita. Ano bang kulay ng damit mo? Para mabilis kitang makita.)

"Eh? Makikilala mo ba ako sa damit lang? Ang dami kayang taong nagsusuot ng pink."

(Oo naman. Kayang kitang makilala kahit sa malayo palang. Ganun ka kaganda sa aking paningin na kahit mapadpad ka man Mindanao, I can still find you.)

Namula naman ako sa sinabi niya. Grrr! 'Wag nga siya. Tinatraydor na ako ng puso ko.

"Okay? Pero teka, sigurado ka bang pupuntahan mo ako dito?" nakakahiya naman kasi sa kanya. Pwede naman niyang sabihin sa'kin kung saan banda bahay niya. Tutal madali ko lang makabisado ang isang lugar basta may nagbibigay ng direksyon.

(Yes. I am sure. Baka kasi mapaano ka dyan. It's much better kung may kasama ka.)

"Okay. Sige. Salamat. Hihintayin nalang kita dito." sabi ko. Ibababa ko na sana yung tawag ng magsalita siya.

(Stephie..)

"Hmm?"

(Ah.. wala. Miss na kita.)


*toot toot toot*

O.o

Kasabay ng pagkunot ng noo ko sa sinabi niya ang malakas na kabog ng puso ko. What's happening to me recently?

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon