Anna's POV
O____________O
"MOMMY!" nagulat ako ng biglang bumagsak si Stephie sa floor, walang malay. Agad ko siyang pinuntahan. Anong nangyari sa kanya?
Tinapik ko ang kanyang pisngi para magising pero walang effect. "S-stephie? Wake up!" halos mangiyak-ngiyak na ako dito. Nag-aalala na ako sa kondisyon niya.
Isa lang ang nasa isip ko, kailangan ng madala si Stephie sa clinic. Napansin kong namumutla na siya.
"AIDEN! PAKIBUHAT SI STEPHANIE! WE NEED TO SEND HER DOWN SA CLINIC! NOW NA!" tawag ko kaya tatay. Kahit katabi ko lang ay sinigawan ko siya. Nakakapeste na kasi ingay ng mga classmates namin. -.-
Agad siyang lumuhod sa tabi namin at halatang nag-alala din siya. "Is she going to be alright?" alalang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Basta kailangan na talaga siyang madala sa clinic." sabi ko nalang.
And with a swift motion ay buhat-buhat na ni Aiden si Stephie at dali-dali siyang lumabas ng room. Syempre sumunod ako kasama si Jessie.
[Clinic]
"Anong ginawa niyo bago siya nahimatay?" tanong ng nurse habang chinecheck niya ang kalagayan ni Stephie. Naka-higa na siya ngayon sa kama, still wala pa ring malay.
"Naglaro lang po kami. Parang activity po after ng reporting namin sa MAPEH." sagot ko naman.
"Ah. Streneous ba yang activity niyo?" tanong niya ulit nang matapos na niyang macheck si Stephie at humarap naman siya sa amin.
Umiling naman ako. "Hindi po."
"Ah. Okay. Nahimatay siya dahil hindi na kinaya ng puso niya yung sobrang kaba o kung ano man yung naramdaman niya kanina. Kaya nag-collapse siya." paliwanag sa amin ng nurse.
Tumango lang kaming lahat. Kaya pala. Tsk! Mga kaklase ko kasi, ang daming alam.
"Kaya I would suggest na huwag na siyang pasalihin sa mga laro na masyadong nakakapagpa-excite sa kanya. May history ata siya ng asthma at heart failure." pagpapatuloy ng nurse.
Teka?
Tama ba rinig ko?
Heart failure?! O_O
"P-po? M-may heart failure si Stephanie?!" Hindi ko maka-paniwalang tanong.
"Hindi ko lang sure. Pero yun kasi nakasulat sa records ko. And this is the first time na dinala siya dito diba?"
"Opo. Never pa po siya nadadala dito." si Jessie naman ang sumagot.
Nginitian lang kami ng nurse. "Okay. Sige. All she needs is some rest. Isa lang pala ang pwedeng mag-stay dito sa clinic. Mauna na ako." at lumabas na yung nurse.
Nilapitan ko naman si Stephie sa kama at hinawi ko yung buhok niya na nakatakip na sa mukha niya.
"Stephie. . . Bakit hindi mo sinasabi sa amin na may sakit ka? You're making me worried, alam mo yun. Sana gumaling ka na mommy."
May tumapik sa likod ko. Lumingon naman ako. Si Jessie lang pala. "Ann, akyat na tayo. Diba nalate ka kanina? Cleaners ka. Si Aiden nalang magbabantay sa kanya."
Oo nga pala. Hays! Parang ayaw ko maglinis. Mas gugustuhin ko pang bantayan si Stephie dito. At saka galit ako sa kanilang lahat. Kung hindi lang sana nila pinilit si Stephie kanina sa dare na yan ay hindi sana hindi dito ang bagsak niya. -__-
"Jess, mauna ka na. Hayaan mo na sila maglinis dun." sabi ko.
"Sige na Anna, ako ng bahala dito. Ibaba mo nalang dito yung gamit ni Stephanie." sa wakas, nagsalita din siya. Kanina pa siya tahimik eh.
Pero, ha?! I looked at Aiden with shock. Seriously? Nagpresenta siya na babatayan niya si mommy? That's strange. Dumako ang paningin ko kay Jessie. Nakangiti siya. And there is something with her smile kaya napangiti din ako. Ah. Kaya pala.
"Okay 'tay. Isasama ko na rin yung sayo. Sige. Bantayan mo si mommy ah." bilin ko sa kanya at nginitian naman niya ako in return.
BINABASA MO ANG
This Is Me
Ficção Adolescente"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING
