Stephanie's POV
"Anna, may napapansin ka ba ngayon?"
Pababa na kami ni Anna ng hagdan. Uwian na kasi. 11 palang. Ang aga masyado. Ganun kasi tuwing friday. Shortened period.
"Napansin na ano, Stephie? Wala naman."
I heaved a sigh. "Kanina sa room, wala ka bang napansing kakaiba or what..."
Napalingon naman siya sa'kin at tiningnan ako with a confusing look. "Ano? 'Di kita gets."
Aish! Alam ko na alam na niya kung ano yung sinasabi ko. Baka naman kasi kapag binuking ko, aasarin na naman niya ako.
"Ano...aish. Wag na nga lang. Nevermind." at binilisan ko nalang yung paglalakad ko pababa.
"Eh? Stephie! Ano yun?!" sabi ko na nga ba kukulitin ako nito eh.
T^T
"Mamaya ko nalang sasabihin. Baka na hagdan pa tayo."
"Haha. Oo na nga."
*phone vibrating*
Hala! May nagtext ata. Lakas naman kasi magvibrate 'tong phone ko. Agad kong kinuha sa bulsa at tiningnan.
(1 new message)
From: Xavier Sunget :P
Uwian niyo na ba? Susunduin ka namin dyan. Hintayin mo kami. Subukan mong tumakas at lagot ka. -_-
Naks! Napangiti ako sa text niya. For the nth time susunduin ako ni oppa. Improving talaga. May sarili na kasi siyang car. Oh ha. Swerte. Ako wala. Haha! Malamang minor palang ako. Shunga lang? Yan na naman. Kinakausap ko na naman sarili ko.
Agad ko naman siyang nireplyan. Baka magalit pa kung hindi. Pasalamat siya at may load ako ngayon.
To: Xavier Sunget :P
Yeah. Kanina pa. At bakit 'namin'? May kasama ka oppa?
Opo! Di po ako tatakas. Haha! Geh. I'll be waiting. And one more thing, punta tayo sa mall. I want ice cream! ^___^ pleeeease???
Sending
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
SENT!Hoho! Bigla akong nagcrave sa ice cream. At tutal friday naman ay time to unwind and relax. Minsan nalang kasi magbonding ni oppa since pareho kaming busy sa studies.
From: Xavier Sunget :P
I'm with Patrick. Niyaya niya kasi akong gumala at gusto ka niyang isama. Kaya oo. Makakapag ice cream ka. Sabihin mo sa kanya libre niya.
Waaaaa! Kasama namin si Patty! Nyahaha! Okay. Ako ng walang galang sa nakakatanda. Si Kenzo Patrick Yoon. Pinsan namin ni oppa. Mabait na matalino na gwapo at habulin ng chicks. Joke. Pareho sila ni oppa na NGSB. Ewan ko ba pero mga sawi ata ang mga to sa pag-ibig. Haha!
'Di ko namalayang nasa ground floor na pala kami. Sorry. Busy sa text. Haha!
"Ann, una na ko sayo. Susunduin ako ni oppa." sabi ko kay Anna.
"Ah. Sige. Pero teka lang, diba may sasabihin ka pa sa'kin?"
Ay! Oo nga pala. Eh? Sasabihin ko pa ba? "Hmm? Puntahan mo ko sa bahay mamaya. May ipapakilala pala ako sayo."
I remember, di pa pala niya kilala yung pinsan kong si Patty. Kaya ipapakilala ko na tong bff ko formally. At saka ko na sa kanya ichichika yung about sa tatay niyang ABSENT LANG NAMAN NGAYON. First time nga ata nun mag-absent.
BINABASA MO ANG
This Is Me
Подростковая литература"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING