Chapter 44 #DayAndNight

103 7 1
                                    

Stephanie's POV

We are on our way home na galing sa park. Hindi ko namalayan yung oras at ginabi na pala kami d'on. Paano kasi, inenjoy ko masyado ang pag-uusap namin ni Aiden. Oo, nasasabi ko na rin ng maayos yung pangalan niya after how many months. Medyo naninibago pa ako kasi hindi ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya. madalas kasi kapag pinaguusapan naming siya ng mga kaibigan ko, as much as possible, ayaw na ayaw kong binabanggit ang pangalan niya. I don't know why. Siguro kinikilig ako? Joke lang.

Tahimik lang kaming naglalakad sa daan. Gusto ko pa siya kausapin kaso pinapangunahan na naman ako ng hiya ko. Hay! Akala ko ba komportable na akong kasama siya? bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon?

Ay, oo. Hindi ko pa natatanong sa kanya yung tungkol sa it's complicated thingy niya noon 3rd year kami. Gusto ko na kasi malinawan once and for all. Kung kailangan ko pa bang umasa na may gusto rin siya sa'kin o forever na akong one-sided dito.

Kaso... diba nasagot na niya 'yon? Putek naman! Naalala ko na naman yung eksena na 'yon. Ayoko nan gang maalala! Siguro nga, hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa'kin.

"Nandito na tayo. Okay ka lang ba? Wala ka na naman sa sarili mo."

Tinapik niya ako ng mahina sa balikat ko na siyang nagpabalik sa'kin sa realidad. Tumingin ako sa kanya saka siya nginitian.

"Okay lang ako. Ganito lang talaga ako kapag gabi na. palaging may malalim na iniisip."

"Baka naman yung crush mong koreano ang iniisip mo." May bahid ng kalungkutan ang kanyang boses.

Natawa lang ako sa sinabi niya. "Well, palagi ko naman silang iniisip. Kelan bang hindi? Hay! Kinikilig na naman ako sa tuwing nakikita ko sila sa isip ko." Wala sa wisyo kong sabi.

"Tss. Kelan ko ba sila mapapalitan sa puso't isipan mo?"

"May sinasabi ka ba dyan?" tanong ko.

"Wala. Magkatabi na nga tayo, hindi mo pa marinig."

"Ang hina kaya ng boses mo. Sige nga, paano ko maririnig 'yon?"

"Tss."

Ay. Biglang nag-sungit. This is the first time na nakita ko siyang ganyan. Siguro kapag palagi ko siyang kasama, mas makilala ko ang tunay niyang pagkatao.

"Hala? Anyare sayo? Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Ang bingi at ang manhid mo talaga."

Kumunot ang noo ko. Huh? Pinagsasabi nito? Kailan pa ako nagging manhid? Baka nga siya 'to eh.

"Ano? Ako bingi at manhid? Bakit mo naman nasabi aber?" hamon kong tanong sa kanya.

"Wala." Tipid niyang sagot saka inabot sa'kin ang bag ko. Oo nga pala, nakalimutan kong kunin sa kanya. Baka nabibigatan na siya. madami pa naman laman ng bag ko.

Kinuha ko naman yung bag at isinukbit sa balikat ko. "Salamat. Sorry sa abala. Ikaw kasi eh, nag-pumilit ka pa. imbes na nakauwi ka na sa inyo ng maaga." Sabi ko at nginitian ko siya.

Tumango lang siya bilang sagot. Hala? Bakit ganito na siya sa'kin? May nasabi ba akong mali?

"Uy, ayos ka lang ba? Tumahimik ka bigla. May nagawa ba akong mali? Sorry."

"Uuwi na ako." Malamig niyang sabi.

O-kay? I therefore concluded that he is not alright at mukhang may nasabi o nagawa nga akong mali. Paano ko ba siya mapapangiti? Ayoko naman na umuwi na may sama ng loob sa'kin. Baka hindi ako makatulog ng maayos mamaya.

Akmang tatalikod na siya pero agad ko siyang pinigilan. "Wait lang..."

Nakahawak ako sa isa niyang braso pero nakatalikod pa rin siya. pilit ko siyang pinapaharap sa'kin pero ayaw niya. my gosh! Bakit ang cute niyang magtampo? Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa inaakto niya ngayon.

"Ano? Tapos ka na bang tawanan lang ako? Akala ko ba gusto mo na akong pauuwin?" malamig pa rin niyang sabi.

Aish! Ano ba kasing problema nitong lalaki na 'to? Kanina ang saya-saya, tapos ngayon, akala mo ang laki ng galit sa mundo.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya. Kaharap ko na siya ngayon.

Umiwas siya ng tingin at nanatiling tikom ang kanyang bibig. Aish! Ang hirap naman nito paamuhin. Ano bang pwede kong gawin?



*lightbulb*



Tiningnan ko ang paligid namin. Wala naman mga tao na naglalakad ng ganitong oras. Shemay! Kahit alam kong sa libro o sa pelikula lang ito pwedeng mangyari, gusto kong subukan. Malay natin, gumana. At baka ito na rin ang una at huli na gagawin ko. Dahil simula ngayon, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Wala rin namang patutunguhan 'yon kesa naman patuloy akong umasa. Siya na rin mismo ang nagsabi. And it is better this way, na magkaibigan lang kami. Baka hindi talaga kami ang itinadhana para sa isa't-isa.

Huminga ako ng malalim at unti-unting lumapit sa kanya. Shet! Nanginginig yung kamay ko. Ayan na, malapit na. pinikit ko ang aking mata. As much as possible, ayokong makita yung gagawin ko. Nakakahiya kasi. At alam ko namang sa pisngi niya dadampi 'yon.

But I was wrong.


My second kiss....


The last thing I remember before he was out of my sight is that I saw his smile, yung ngiti niya kapag kasama ako. And I was left there, my heart is beating so fast at bigla akong napahawak sa labi ko. 


I swear may naramdaman akong sparks. Why? Are we feeling the same way too? Shet naman Aiden! Pinapaasa mo na naman ako!

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon