Stephanie's POV
I opened my phone to check the time. Malapit nang mag- ala singko ng hapon at wala pa ring nangyayari sa 'praktis' namin. Kung alam ko lang na magiging ganito ito ka-boring at walang progress, edi sana hindi nalang ako nag-abala pang pumunta dito. Bukod sa mayroon akong mga ka-grupong walang may pakialam at pakiramdam, ay kanina pa ako naba-badtrip sa hindi ko malamang dahilan. Napansin nga ni Monique yung busangot kong mukha at tinanong niya kung anong problema ko. Malamang hindi ko masagot ng maayos 'yon kasi ako mismo hindi ko alam ang sagot. Kaya nagpalusot nalang ako na masama yung pakiramdam ko, which is half-true dahil medyo naninikip yung dibdib ko.
Napahawak ako sa tyan ko nang maramdaman ko itong kumakalam sa gutom. Gusto ko ng kumain. Kaso tinatamad akong kumilos dito sa upuan ko. Aish! Stephie! You need to eat. Hindi dapat kinakatamaran ang pagkain. Remember, biyaya 'yan ng Diyos sayo.
Okay, salamat talaga sa motivation, konsensya. Huminga ako ng malalim at tumayo na ako. Pinuntahan ko muna si Daddy V para magpaalam na lalabas muna ako.
"Daddy V!"
"Oh?" sagot naman niya. Abala kasi siya sa pagkakalikot sa phone ni Monique. Tiningnan ko iyon. Naglalaro pala siya ng Temple Run.
"Bibili lang ako saglit sa labas ng pagkain. Babalik din ako. Nagugutom na kasi ako." paalam ko.
Tumango lang siya bilang sagot at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Mukhang seryoso talaga siya sa paglalaro. Oh well. At least, pumayag siya. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila hanggang sa marating ko na ang pinto--- napatigil ako sa paglalakad nang may na-realize ako. Oo nga pala. Nandito kami sa backyard ng bahay nila Aiden. At nandito ako, nakatayo sa harap ng pinto sa likod ng bahay nila. Napasapo ako sa aking noo. Nakakahiyang dumaan ng mag-isa papasok ng bahay nila. Tsaka nakakatakot din kasi ang laki ng interior nila tapos dalawa lang ang nakatira. Baka maligaw pa ako tapos hindi na ako makakalabas ng buhay dito. Baka mabaliw si oppa n'on kapag nawala ako.
Paano na 'yan? Gutom na talaga ako. Kanina pa nagagalit yung mga alaga ko sa tyan. Kung bakit kasi hindi ako nagdala ng kahit tubig man lang. Hay nako! Lesson learned: palaging magdala ng candy para iwas-gutom.
Lightbulb! Tama! I should ask Daddy V kung may dala siyang food. Yun pa. Eh kanino pa ba ako magmamana sa katakawan sa pagkain? Joke lang. Kahit na ganyan 'yan ka-chubby si Daddy V, mahal ko 'yan as my second father, este fake father pala. Haha!
Tumalikod na ako pero laking gulat ko nang may nakatayong tao sa harap ko. Hindi ko naiwasang mapa-mura ng mahina dahil sa gulat. Jusko! Para siyang kabute.
"Anong ginagawa mo dito?"
Umiwas ako ng tingin. "W-wala. M-may hinahanap lang ako."
"Nandito naman ako, naghahanap ka pa ng iba. Tss." bulong niya kahit rinig ko naman. Malamang. Medyo malapit siya sa'kin.
"May sinasabi ka?" kunot-noo kong tanong dahil hindi ko na-gets yung sinabi niya.
Nang matauhan siya... "Huh? W-wala, wala. Ang sabi ko, gutom lang 'yan kaya hindi mo narinig."
Paano niya nalamang nagugutom na ako? Mind reader ba siya? Psychic? Telephatic?
"I can't read your mind. But I can read your body language."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Leche! Bakit all of the sudden, nabobobo ako sa english-speaking niya? Can somebody translate it for me?
"Hay! Tara nalang sa loob. Ipagluluto kita ng pagkain. Hindi ka pala pwedeng magutom kasi nagiging slowpoke ka." tumawa siya ng mahina tsaka hinawakan ang kamay ko at hinala ako papasok ng bahay.
D-did he said that he'll cook for me? So, marunong siyang magluto? Shet! Puso, kalma. Hindi ko dala ang gamot ko ngayon na pampamanhid. Chill ka lang dyan.
--
Nakaupo ako ngayon sa sofa ng sala nila. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Halos magka-hawig sa interior design ang bahay nila sa bahay namin. Maaliwas tingnan dahil sa konti lang yung mga naka-display. Hindi kaya pareho kami ng kinuhang interior designer? Jusko! Ayan ka naman sa kahibangan mong 'destiny na this'. Kahit hindi mo pa sabihin ng malakas ay nababasa ko na yung isip mo. 'Wag ka ng humirit pa ng hugot ha?
Huh? Pinagsasabi nito ng konsensya ko? Sinabi ko lang naman na baka nagkataon na same ang interior designer ang nag-plan ng ganitong style ng living room. At wala akong alam sa sinasabi mong destiny. Sus! Asa naman.
"Wifey."
Gulat na nag-angat ako ng tingin nang tinawag niya ako. Namimihasa na siya sa pag-tawag sa'kin ng wifey. 'Pag ako nasanay... ewan ko nalang.
"Bakit?"
"Tara na sa kusina. Diba sabi mo tutulungan mo akong maluto?" sabi niya at ngumiti siya.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Nawili kasi akong libutin ang tingin ko sa kabuuan ng bahay nila. I even saw his childhood pictures na nakahilera d'on sa isang table malapit sa hagdan. Ang cute niya shems!
Oh, baka naman kiligin ka ulit. Tsk tsk.
Sinabi ko lang cute, kilig agad? Eh totoo namang ang cute niya yung bata pa siya.
Tapos ngayon na tumatanda na siya, hindi na cute?
Hmm? Cute pa din pero gumagwapo na siya. Wait, parang may mali na sa sinasabi ko...
"Sinong gumagwapo, ha wifey?" Di ko namalayang nakalapit na siya sa'kin, as in soooooobrang lapit na 1cm nalang ang layo ng mukha niya sa'kin. Joke lang. Sa mga nababasa ko lang na mga ebook 'yon nangyayari at imposible sa totoong buhay.
Umiling ako. Minsan kasi, kailangan nasa lugar ang pagmo-monologue. Yung walang katao-tao. Like for example, sa CR o sa kwarto mo. Ganern. Nang hindi nabubuking yung mga hinaing mo sa buhay.
"Y-yung crush kong Kpop, nagiging mature na kasi siya kaya ayun, mas lalong gumwapo." pilit kong ngumiti despite ng kabang nararamdaman ko ngayon.
Nakita ko kung paano nagbago ang expression niya nang banggitin ko yung tungkol sa crush kong kpop. Nawala yung ngiti niya at napalitan 'yon ng ngiting malungkot. Na-offend ko ba siya?
"Ah. Ganun ba? Ang swerte naman pala ng crush mo. Kahit nasa malayong lugar siya, napapansin mo pa rin. Pero kung sino pa yung nandito at malapit sayo, isinasantabi mo lang. Na parang wala kang pakialam sa kung anong nararamdaman niya." pagkasabi niya n'on ay bigla siyang umalis sa harapan ko.
At ako naman ay naiwang tulala, na parang hindi makapaniwala na sinabi niya 'yon sa'kin. Ayokong isipin na pinagseselosan niya 'yon, kasi may ibig sabihin 'yon. At yun ang ayaw ko. Kasi baka umasa ako at kapag nabigo, uuwi akong luhaan.
BINABASA MO ANG
This Is Me
Jugendliteratur"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING
